Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

G!, isang millennial barkada movie na makare-relate ang mga kabataan

MARAMING millennials, pati na rin ang kanilang mga magulang ang makare-relate sa kuwento ng millennial barkada movie na G!.

Ito’y tinatampukan ng tatlong Hashtags members na sina McCoy de Leon, Paulo Angeles at Jameson Blake, plus ang miyembro ng Boyband PH na si Mark Oblea. Mula sa direksiyon ni Dondon Santos, ang G! na handog sa Cineko Productions ay nag-iisang tropa movie sa 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino na mapa­panood sa mga sine­han sa Sept. 13-19.

Ang peli­kula’y tungkol sa binatang (McCoy) football player na may cancer na gustong gawin ang lahat ng nasa kanyang bucket list kasama ang kanyang mga kaibigan. Kabilang na rito ang magwalwal at magpa­kaligaya nang walang humpay. Ang G! ay isang millennial term na maraming kahulugan tulad ng game, go, get-up, at iba pa. Ibig sabihin, kapag sinabi mong G ka, G na G, or game na game ka.

In this world of mil­len­nials, ang salitang ito ay madalas na naririnig sa mga kabataan nga­yon. Ayon kay Direk Dondon, lahat ay makare-relate sa kuwento nito.

“‘G’ is a series of the good times and bad times, meant to show the value of love, friendship, family, and life. We want to reintroduce the same classic feel in the current filmmaking scene. It is the story of its viewers, reflecting their own struggles and emotions as they come of age. It’s a very maloko movie, but it’ll touch your hearts. Animated pero the sense of realism is there. At the end of the day you’d want to talk to your best friend,” wika niya.

Kasama rin dito sina Rosanna Roces, Kira Balinguer, Dominic Roque, Jao Mapa, Precious Lara Alcaraz, Roxanne Barcelo, Gio Alvarez, Moi Bien, Joey Marquez, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …