Tuloy-tuloy ang suportang ibibigay ni Dovie San Andres sa mga iniidolong Sawyer Brothers na sina Kervin at Kenneth na magre-release soon ng kanilang bagong single. At excited na rito si Dovie dahil alam niyang maganda ang song tulad ng nauna niyang naging paboritong kanta ng Sawyer brothers na SMS (One Text Away) na maraming views ang nasabing music video sa YouTube.
Nang makachikahan namin sa kanyang messenger si Dovie, na aming super BFF ay sinabi niyang kahit malayo sa kanya si Kervin ay ramdam niya ang sinseridad nito sa pakikipagkaibigan sa kanya. Ang ikinatutuwa ni Dovie ay ‘yung likes and comments ni Kervin na nagpapabawas ng kanyang stress at hugot sa buhay lalo sa pagkawala ng boyfriend niyang indie actor na si Khristian Michael Villanueva kaya parang gumuho ang kanyang mundo.
Samantala gusto pa lang ipakanta ni Dovie kay Kervin ang paborito niyang song ni Boyet Orca na “Sumisigaw Ang Puso.” Bagay raw ito sa kuwento ng kanilang love story ni Michael. Kina Kervin at Kenneth naman marami na rin pala silang exposure sa TV at radio at nakapag-perform na rin sa iba’t ibang venue at halos four years na rin ang mag-utol sa music industry.
Well isang kanta lang ang mapapatok ng dalawa ay dito na mag-uumpisa ang kanilang pagsikat.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma