Tuesday , February 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa eskuwela… Pagkabalisa ng ‘kaliwete’ winakasan ng RA 11394

IKINATUWA ni Sena­dor Edgardo Angara ang pagsasabatas ng Republic Act 11394 na papabor sa mga left-handed students mata­pos ang mahabang pa­na­hon ng kanilang paghihintay.

Dahil dito, sinabi ni Angara, mawawa­kasan ang paghihirap sa mga paaralan ng mga mag-aaral at lalo sa kanilang sakripisyo sa kanilang mga upuan.

Iginiit ni Angara, sa pamamagitan ng batas, ang mga paaralan ay maoobliga na mag­laan ng “neutral desks” sa bawat classroom.

Sinasabing 10 porsiyento ng popu­lasyon ay kaliwete at dahil ang karamihan ng mga gamit, kasama na rito ang mga desk sa paaralan ay naka­di­senyo para sa mga right-handed, kailangan nilang mag-adjust dahil hindi sila sanay gumamit ng kanang kamay nila.

Sinabi ni Angara, ang neutral desks ay maaaring pakinabangan ng parehong left and right-handed students nang walang anumang usapin.

“The struggle of left-handed students is real. Many of them end up suffering from back, neck and shoulder pain when they force them­selves to use the standard-issue desks. Studies have also shown that left-handed students tend to write slower when using right-handed desks, thus leaving them at a dis­advantage during timed examinations,” ani Angara.

Dahil dito agad nag­paabot ng pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte si Angara sa kanyang paglagda sa naturang batas.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

human trafficking

29 nasagip sa human trafficking

NASAGIP ng mga awtoridad ang 29 biktima ng human trafficking, kabilang ang 5 menor de …

Bacoor Cavite Police PNP

2 Chinese nasakote sa kidnapping

DINAKIP sa bisa ng warrant operations ang dalawang Chinese national, kamakalawa ng hapon sa Bacoor …

San Rafael, Bulacan

Rape suspect ng menor de edad kinalawit

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Brgy. Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan …

arrest, posas, fingerprints

2 tiklo sa pagbebenta ng substandard consumer products

MATAGUMPAY na nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba laban sa mga indibiduwal na sangkot …

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Sa kaso ng pulis sa septic tank
‘Gunman’ nasakote sa Tagum, 2 suspek sumuko sa Bulacan

ARESTADO ang hinihinalang gunman sa insidente ng pagpaslang sa isang pulis na ang bangkay ay …