Monday , August 11 2025

Anti-subversion law bubuhayin kontra kilusang komunista (Padron sa Malaysia)

PABOR ang Palasyo na gayahin ang “Malaysian experience” para supilin ang kilusang komunista sa Filipinas. 

Sa press briefing sa Palasyo kamakailan, sina­bi ni Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr., na kinakatigan niya ang panukalang buhayin ang Republic Act 1700 o ang Anti-Subversion Law upang maging ang mga kilalang prente ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ay masugpo ng mga awtoridad.

”I believe mas magan­da po, it can ano… it can multiply the effect kasi unang-una, ‘yung mga organization na affiliated sa CPP-NPA ay definitely, we can curb them and we can… we can ano… we can… tinatawag nating issue warrants,” ani Galvez.

Inihalimbawa ni Galvez ang karanasan ng Malaysia sa paglaban sa komunismo sa kanilang bansa gamit ang Internal Security Act na pinahi­hintulutan ang warrant­less arrest at preventive detention sa mga hinihi­nalang komunista kahit walang kasong nakasam­pa.

“So ‘yung RA 1700 napakaganda po ‘yun kasi kung tutuusin po ‘yung Malaysian ano… Malaysian experience, kanila pong naging puhu­nan para mabuwag nila ‘yung kanilang insurgency din is really ‘yung strong ano… very strong anti-terrorist at saka anti-communist na ano nila,” dagdag ni Galvez.

Batay sa mga ulat, ginamit ng Malaysian government ang ISA upang dakpin at ibilang­go hindi lamang ang mga komunista kundi maging ang oposisyon.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

JInggoy Estrada

Sen. Jinggoy pinangalanan
3 OPISYAL NG DPWH NA SANGKOT SA PAGGUHO NG ISABELA BRIDGE

TAHASANG tinukoy ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

Laban Konsyumer Inc LKI Electricity

NEA binatikos ng konsyumer vs pagkokompara sa ‘di-patas na singil

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa anila’y …

BIR money

Bilyong piso nawawala sa gobyerno — BIR
AHENSIYA vs ILEGAL NA KALAKALAN DAPAT ITATAG —  NOGRALES

NANINIWALA si Philippine Tobacco Institute (PTI) President Jericho Nograles na kailangang bumuo ang pamahalaan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *