Friday , November 22 2024

Gina Lopez, pumanaw na sa edad 65

SUMAKABILANG-BUHAY na ang chairman ng ABS-CBN Foundation na kilala ring environmental advocate, si Regina Paz “Gina” Lopez sa edad na 65 dahil sa multiple organ failure.

Lubos na dalamhati ang naramdaman ng mga taga- ABS-CBN sa biglang pagyao ni Lopez. Narito ang kanilang official statement.

Lubos na nagdadalamhati ang ABS-CBN sa pagpanaw ng chairman ng ABS-CBN Foundation na si Regina Paz ‘Gina’ Lopez.

“Sa pagpanaw ni Gina, kasamang namaalam ang isang maalab na tagapangalaga ng karapatan at proteksyon ng mga bata, masugid na tagapagsulong ng kabuhayan ng mga kapus-palad, at isang matibay na pundasyon ng pangangalaga sa kalikasan.

“Ang walang-pagod niyang pagsusulong sa mga adbokasiyang ito ang naging dahilan para mabuo ang Bantay Bata 163, Bantay Kalikasan, at iba pang programa sa ilalim ng ABS-CBN Foundation. 

“Bago siya nagsilbi bilang chairperson ng Pasig River Rehabilitation Commission at kalihim ng Department of Environment and Natural Resources, isinulong din niya ang hindi mabilang na mga kampanya at proyekto, kabilang na ang Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig, No To Mining in Palawan, La Mesa Watershed reforestation, at ang TV program na G Diaries – na lahat ay nag-iwan ng hindi malilimutang pagbabago sa mga komunidad.

“Si Gina ang sandigan ng lakas na nagtulak sa AFI na maisagawa ang mga bagay na tila ba imposible. Ang puso at pagmamahal niya ang nagbigay ng inspirasyon sa mga tao sa loob at labas ng organisasyon na tumulong at magsilbi sa kapwa.

Kasabay ng aming pakikiramay sa pamilya at mahal sa buhay ni Gina, ipinagdarasal din namin na manatiling buhay ang kanyang alaala sa puso ng bawat Kapamilya.

“Hindi namin siya malilimutan at patuloy naming tatanawin ang kanyang mga kontribusyon hindi lamang sa ABS-CBN, kundi sa buong bansa.

“Maraming salamat Gina, sa pagpapakita sa amin kung paano mabuhay nang naglilingkod sa Pilipino.”

Ayon naman kay ABS-CBN Chairman Mark Lopez, “Today, we lost not just a family member but a person we deeply admire and respect.

“At an age when people are just figuring out what they want to do in life, she already knew her purpose. She left a comfortable life to devote her time and energy to help uplift other people’s lives,” ani Mark Lopez.

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *