Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryle, naging conscious sa balat dahil sa Beautederm

SI Ryle Santiago ang pinakabatang celebrity endorser ng BEAUTeDERM Collection.

“For me ang sarap sa feeling kasi ako ‘yung pinagkakatiwalaan para ibahagi sa mga kabataan na importante rin ang skin care.

“Kasi ako aaminin ko, before ako nag-BEAUTeDERM wala naman akong pakialam sa balat ko.

“Dinadaan ko na lang sa make-up, ganoon, pero noong pina-try sa akin ni Mama hindi ako naniniwala noong una. Hanggang sa tinry ko, sabi ko, ‘Ah, importante talaga!’

“Ngayon puwede na akong sumalang ng hindi nagme-make-up, or sobrang minimal, powder na lang, para lang masabing may kulay, may ano.

“Pero importante talaga, eh. Kasi the skin is the biggest organ sa katawan mo kaya kailangan mo pa ring alagaan ‘yun kasi kapag puwede kang magka-skin cancer at mga iba pa.

“At least keeping it healthy, keeping it glowing, keeping it alive, iyon ‘yung para sa akin and makikita rin ng ibang mga kabataan.

“Kasi eversince na pumasok ako (as endorser ng BEAUTeDERM), ang daming estudyante na nag-i-inquire. Nagulat ako kasi mga estudyante gusto rin nila,” sinabi pa ng cute na male young star na anak ng dating aktres na ni Sherilyn Reyes.

Nakausap namin si Ryle sa launch niya bilang bagong celebrity endorser ng BEAUTeDERM Collection sa Quezon Ballrom ng Seda Hotel sa Vertis North sa Quezon City nitong Linggo, July 28.

Kasabay na ini-launch ni Ryle bilang mga bagong BEAUTeDERM babies sina Alex Castro, Carlo Aquino, Ejay Falcon, Matt Evans, Kitkat, Jane Oineza, at Ria Atayde.  

At dahil madalas si Ryle sa It’s Showtime, ano ang masasabi niya sa napapabalitang relasyon nina Vice Ganda at Kuya Escort na si Ion Perez?

“Okay lang, okay naman.”

Masaya si Ryle para sa dalawa.

“Nakikita ko naman na marami silang napapasayang tao and si Ion naman nakakasama ko kasi kapag, for example commercial namin sa online (show nila sa ABS-CBN) tapos sila naman ‘yung nagla-live, nakakakuwentuhan ko naman si Ion.

“At saka magka-gym kami.”

Ano ang napagkukuwentuhan nila?

“Wala, about, for example, nagba-basketball sila, ‘yung mga ano nila, kina Zeus, iyon ‘yung napagkukuwentuhan namin.”

Miyembro rin ng Hashtag si Zeus Collins.

Ayon kay Ryle hindi nila napag-uusapan ni Ion ang tungkol sa lovelife.

“Hindi ko tinatanong.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …