Thursday , June 4 2026

2 Kotongero pinosasan ni Mayor Isko

ARESTADO ang dala­wang empleyado ng isang pribadong kompanya dahil sa pangongotong at pangongolekta sa mga vendor sa Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila sa isinagawang entrapment operation nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang mga sus­pek na sina Vilma Cortez, 48, secretary, residente sa 378 Malvar St., Tondo; at Jeffrie Solomon, 37, checker, ng Blk. 3 Lot 18 Phase III Golden City, Barangay Salawag, Das­mariñas, Cavite at kapwa empleyado ng Bagong Maynila Development Corp.

Pinangunahan ni Special Mayors Reaction Team (SMART) P/Maj. Rizalino Ibay, Jr., ang pag-aresto sa dalawa dakong 8:45 am nitong Martes, matapos maka­tanggap ng reklamo ang Mayor’s Office mula sa mga vendor na mayroong nangongotong.

Ibinunyag ni Cortez na isang “Puzon” ang kanilang organizer na nag-utos upang mango­lekta ng halagang P20 hanggang P40 kada araw bawat puwesto.

Paliwanag ni Cortez, ginagamit aniya nila ang nasabing koleksiyon upang pambayad sa mga tagalinis sa palengke.

Inamin din ni Cortez na pinapasuweldo sila ng P25,000 kada buwan ng organizer.

Sasampahan ng ka­song usurpation of authority, grave coercion, at robbery extortion ang mga suspek na nahuli sa akto ng pangingikil. (May kasamang ulat ni BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …