Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Aktor, deadma na sa co-actors nang sumikat

DATING mahal ng mga taga-production ang aktor na ito dahil mabait, magalang, at palabati sa lahat kapag dumarating sa set, pero nagugulat ang lahat dahil biglang nagbago na dahil nawala na lahat ang ugaling ipinakita sa kanila.

“Rati maghe-hello sa lahat, magalang, ngayon diretso na sa standby area at hindi na namamansin. Minsan naman nasa sasakyan lang at bababa lang ‘pag kukunan. Hindi na rin nakikipagkuwentuhan tulad dati kaya nakakataka,” kuwento ng aming source.

Hindi lang pala mga taga-production ang nakapansin sa pagbabago ng aktor maging ang mga katotong sobrang tsika siya ay napansin na rin.

“Dati malambing pa, bebeso pa, ngayon nakatingin na lang at tatango, hindi na lumalapit, basta ang laki ng pagbabago,” kuwento ng ilang katoto kasama na bloggers.

Sabi namin baka may problema o wala sa mood kapag natitiyempuhan nila. Ang aktor na nababanggit ay masyadong emosyonal kaya baka may pinagdaraanan at hindi niya maitago kaya nagbago ang pakikitungo sa lahat.

Hirit pa sa amin, “lumaki na ulo kasi sikat na at maraming nagsasabing magaling siyang aktor. Eh, tingnan natin kung tatagal siya sa ugali niya.”

Hindi sapat ang isa, dalawa o tatlong pelikulang kumita para ikabago ng ugali ng isang artista dahil unang-una hindi naman niya solo ito dahil mahuhusay ang mga kasama niya at higit sa lahat, mahusay ding umarte  ang kapartner niya.  (Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …