ITINUTURING ni Sherilyn Reyes-Tan na malaking karangalan na maging bahagi siya ng BeauteDerm family. Ayon sa aktres, labis ang kanyang kagalakan sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Beautederm CEO at owner na si Ms. Rhea Tan.
Kabilang na kasi ang aktres sa endorsers/ambassadors ng BeauteDerm product na patuloy ang pagdami ng branches at ng mga satisfied customers. Kasama ni Sherilyn sa BeauteDerm family sina Ms. Sylvia Sanchez, Marian Rivera, Lorna Tolentino, Arjo Atayde, Carlo Aquino, Alma Concepcion, Matt Evans, ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Jestoni Alarcon, Boobay, ang anak niyang si Ryle Santiago, at marami pang iba.
“Isa pong karangalan sa akin at talagang natutuwa ako kasi talagang gumagamit ako ng mga produkto. So plus po sa akin na kinuha akong ambassador ng Beautederm, masayang-masaya po ako at talagang binibigyan ko ng panahon ito araw-araw… iyong pag-post, pag-recommend sa friends ko,” sambit ni Sherilyn.
Aminado rin si Sherilyn na dahil sa BeauteDerm ay bumalik ang kanyang self-confidence nang dumating ang time na parang napabayaan niya ang kanyang sarili.
“Kasi dumating po ‘yung time na parang naging relaxed ako sa sarili ko, ganyan, parang hindi ko na masyadong naaalagaan ‘yung sarili ko. Tapos nagkaroon ako ng skin problem at sinabi ko kay Ms. Rei — kasi kaibigan ko naman si Ms. Rei since 2016 pa. So ‘yun po, pinadalhan niya ako ng produkto niya without anything in return at nakita ko ‘yung diperensiya.
“Kaya tuwang-tuwa ako at noong nakita niyang tuwang-tuwa ako, in-offer-an niya ako na baka gusto kong maging ambassador ng BeauteDerm. Kasi, iyon ‘yung gusto niya e, ‘yung gumagamit ng BeauteDerm at talagang masaya sa produkto.
“Sa akin kasi, talagang proven and tested na talaga ‘yung product. Buong pamilya actually, except for the 7 year old, kahit anong oras, kahit madaling araw talagang nag-a-apply religiously, kasi talagang kitang-kita naman ‘yung diperensiya. Sa totoo lang, bumalik talaga ‘yung self-confidence ko dahil sa Beautederm,” masayang saad ni Sherilyn.
Ipinahayag din ng aktres ang kabaitan ni Ms Rei. “Napakabait po ng taong iyan, napaka-generous, napaka-humble, ibang klase talaga. Lagi akong nagpapasalamat sa kanya na kinuha niya akong ambassador, ‘di lang ako, ‘tsaka si Ryle. Iba rin ‘yung pagmamahal niya sa akin at sa pamilya namin. Everyday po halos nagpapasalamat talaga ako sa kanya.”
“So, hindi po nakapagtatakang lumalago talaga ang BeaureDerm dahil sa kasipagan ni Ms. Rei?
“Opo at saka talagang ano e, magaling talaga ‘yung produkto, kasi. So siguro kahit wala siyang artista na endorsers, lalago po talaga, e. Kasi, kitang-kita mo naman ‘yung galing ng produkto. Very effective talaga ang produkto niya.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio