Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
fire sunog bombero

Dahil sa napabayaang kandila… Isang sanggol, 4 paslit, 1 pa patay sa sunog

ANIM na magkakaanak ang nasawi sa sunog na tumupok sa kanilang bahay dahil sa napaba­yaang kandila sa Caloo­can City, kahapon ng madaling aarw.

Kinilala ang mga biktimang sina Maricel Roxas, 32, at magkaka­patid na sina Robert Basas, 10, RJ, 4, JP, 2, at tatlong buwan gulang na si Niño Basas, at kanilang pinsan na si Eduardo Roxas, 8-anyos habang patuloy na ginagamot sa Tala Hospital si Benedict Basas, 13.

Sa pahayag ng naka­ligtas na si Benedict, panganay sa magkaka­patid, dakong 2:45 am, natutulog sila sa loob ng kanilang bahay sa Phase 8 B, Package 5, Brgy. 176, Bagong Silang nang biglang sumiklab ang apoy mula sa naupos na kandila na nahulog sa kahon ng mga karton.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light material ang bahay habang nagawang maka­talon sa ikalawang pala­pag ng bahay si Benedict at hindi na nagawang mailigtas ang kanyang mga kaanak.

Ayon kay Purok leader Renato Caladiao, nahirapan ang mga bom­bero sa pag-apula ng apoy dahil malayo sa kalsada ang bahay ng mga biktima at kinaka­ilangan pang pagdug­tong-dug­tungin ang mga fire hose.

Wala rin sa bahay ang ama ng magkakapatid nang maganap ang insi­dente dahil nag-overtime umano ito sa trabaho.

Wala umanong kor­yente ang bahay ng mga biktima kaya gumagamit lang ng kandila o lampara.

Sa imbestigasyon ni FO1 Cedrick Pardenias, nasa 30,000 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbes­tigasyon sa insidente.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …