Wednesday , May 8 2024

Baby Go, pagsasabayin ang showbiz at real estate business

MAS tututukan ngayon ng kilalang producer ng mga award-winning indie films na si Baby Go ang pagnenegosyo. Ayon kay Ms. Baby, muli niyang pagtu­tuunan ng pansin ang kanyang real estate business.

Hindi na mabilang ang mga awards at pagkilalang natang­gap niya bilang movie producer. Ang latest na natapos niya ay pelikulang Latay ni Direk Ralston Jover, starring Allen Dizon at Lovi Poe. “After Latay, mayroon akong tatapusing movie. Tatlo na lang siguro o apat, ‘yung nan­diyan na lang muna. Mag-focus ulit ako sa real estate, kasi rito ako nagsimula at ‘yung pera mo, babalik agad. Unlike sa showbiz, ang tagal,” panimula ni Ms. Baby.

“Although ako, bumawi ako sa puhunan, mayroong kikita, walang kita, honestly iyan. Parang tabla-tabla lang, pero siguro baka ganoon daw, kaya ‘di pa ako nagkaroon ng tiyempo na kikita talaga ang movie ko, di pa ko time na ganoon siguro… Pero mas maganda na ‘yung talagang babalik ako roon sa rating business ko. Doon naman nanggaling ‘yung pera ko na kinukuha ko pang-produce. I don’t care kung ano sasabihin ng iba, wala akong utang, wala akong atraso, nagsasalita ako kahit saan, may radio program ako at sa awa ng Diyos, wala namang nagsalita nang di maganda. Pabor naman sa akin.

“Although, I love movies talaga, I love showbiz, mahal ko ang showbiz simula’t sapol pero ‘di na ako affected sa sasabihin ng iba na ganyan-ganyan… Hindi pa naman ako nag-issue sa production ko ng cheke na tumalbog. Lahat naman sila cash, wala naman kaming tumal­bog na cheke,” aniya.

Esplika ng mabait na businesswoman/indie producer, “So ngayon, back to real estate ako. Actually, mayroon nang idinevelop, ‘yung properties ko ngayon nasa Cavite, Bacoor na ilan na ang buyer. Ten doors and 10 units na ibinebenta ko ngayon, ang price lang per unit is P3 million, commercial iyong area ko. Sa baba, commercial iyon and magagawa na ang 3rd floor. Gusto ko sariling lupa ko idine-develop ko na ngayon as subdivision. Mayroon akong Cavite, Laguna, mayroon akong Manila na tatayuan ko, mayroon ding QC housing project.”

Bukod sa real estate, kabilang din sa business ni Ms. Baby ngayon ang BG Alkaline Drinking Water at BG Showbiz Pus Magazine.

Mayroon din siyang weekly radio program sa DZAR na napapakinggan every Saturday, 5-7 pm. Isa sa madalas niyang guest dito ay si Dr. Ramon Ramos.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Claudine Barretto Daiana Menezes

Bahay ng magulang ni Claudine ninakawan, ina muntik ma-ER

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HALOS nalimas ang mga naggagandahang appliances na bago pa at …

Diwata Pares Rosmar

Diwata naiyak sa bahay, P1-M bigay ni Rosmar

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAIYAK at napababa ng closed van si Diwata nang iabot …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven ginu-groom ng Viva para maging dramatic actress

HARD TALKni Pilar Mateo SUPER ang suporta ng MarVen sa tambalang Marco Gallo at Heaven Peralejo.  Na ipinadama sa mga …

FranSeth Francine Diaz Seth Fedelin

FranSeth wala pang dating, imposibleng mapalitan ang KathNiel

HATAWANni Ed de Leon NAKU ewan ko ba, iyon naman daw FranSeth ang siyang papalit sa KathNiel. Bakit …

Alden Richards Richard Faulkerson

Tatay ni Alden nagpa-SOS sa NBI; Blogger na naninira hahantigin

HATAWANni Ed de Leon NAGBIGAY na rin ng warning ang ama ni Alden Richards dahil sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *