Friday , June 5 2026
Ino-operate na ng Manila Water ang dagdag na labingsiyam (19) na deepwells sa Lalawigan ng Rizal, na nakapagbibigay na ng hanggang 25 million liters per day (MLD) na tubig bilang karagdagang pampuno sa kakulangan pa rin ng suplay ng tubig sa East Zone ng Metro Manila. Kabilang dito ang deepwell na matatagpuan sa Masangkay St. sa Antipolo City (nasa larawan), na nakapagbibigay na ng hanggang 2.4 MLD.

Karagdagang deepwell, sinimulan nang paganahin ng Manila Water

SINIMULAN ng Manila Water ang pagpapagana ng karagdagang 26 deepwells sa kabuuan ng kanilang ‘concession area.’

Hanggang nitong 20 Mayo 2019, higit 35 million liters of water per day (MLD) ang nakukuhang tubig mula sa mga deepwell at inaasahang higit pa itong madaragdagan sa mga susunod na buwan habang nadaragdagan din ang binubuksan pang karagdagang deepwell.

Bago pa nagsimulang mag-operate ang mga karagdagang deepwell, nakakukuha na ang Manila Water ng hanggang 9 MLD tubig mula sa limang naunang napaganang deepwell sa Curayao, Rodriguez.

Ngayon, bukod rito, may karagdagan nang nakukuhang 25 MLD sa 19 deepwells na binuksang muli sa kabuuan ng lalawigan ng Rizal, ang siyam nito ay matatagpuan sa lungsod ng Antipolo.

Kasalukuyang umaabot sa 150 MLD ang kakulangan sa 1600 MLD suplay na nakukuha ng Manila Water mula sa Angat Dam para punan ang ‘demand’ sa tubig ng kanilang customers sa East Zone ng Metro Manila.

Upang matugunan ang kakulangan, nagsasagawa ang kompanya ng ilan pang proyekto bukod sa deepwell.

Ang Cardona Water Treatment Plant nito na kumukuha ng tubig mula sa Laguna Lake, ay nakapagbibigay ng mula 50 hanggang 56 MLD tubig sa ilang bayan ng Rizal. Mayroon na rin karagdagang 18.81 MLD mula sa cross-border flows.

Umabot muli ang water availability sa 99% ng sineserbisyohan ng Manila Water na nagkakaroon ng mula walong oras o higit pang suplay ng tubig hanggang 7 psi (pounds per square inch) pressure, o umaabot hanggang unang palapag nitong 20 Mayo.

Ito ay naaayon sa service obligation ng Manila Water na nakasaad sa Concession Agreement sa gobyerno. Ngunit, sa kabila ng mga karagdagang suplay na ito, umaabot pa rin sa 50 MLD o higit pa ang kakulangan bunsod na rin ng mas mataas na demand tuwing tag-init, kasabay ang patuloy na tumataas na temperatura.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …