BUKOD sa respetadong ama sa mundo ng politika na si Alberto Gatmaitan Romulo, politician and diplomat at nagsilbi bilang Executive Secretary, Finance Secretary, Foreign Affairs Secretary, and Budget Secretary ay maganda at maayos rin ang pamamalakad ng sister ni congressional candidate Roman Romulo na si Berna Romulo-Puyat bilang kasalukuyang Secretary ng Department of Tourism.
Kaya makaaasa ‘yung lahat ng mga nagtiwalang Pasigueño noon kay Roman na boboto sa kanya sa May 13 elections na patuloy siyang magiging tapat sa kanyang serbisyo at kapakanan ng mahihirap ang prayoridad na pagkalooban ng mga proyektong kanilang mapapakinabangan.
We heard, sa latest survey ay matunog ang pangalan ni Atty. Romulo kaya malaki ang posibilidad na muli siyang mahal na kongresista sa Lone District ng Pasig City.
Sa muling pagtakbo sa politika ay nasa likod ni Roman ang magandang misis na si Shalani Soledad-Romulo na luging all-out ang suporta sa kanya.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma