Wednesday , December 25 2024
dead

Sa Quezon City… GUYS-AKAP naalarma sa binaboy na bangkay ng isang punerarya

NAALARMA ang isang non-governmental organization (NGO) sa isang insidente na anila’y pambababoy ng isang punenarya sa bangkay ng isang lalaking inilipat sa kanila para sa libreng pagpapalibing sa Quezon City.

Ayon kay Group of Unified Youth for Social Change-Aktibong Kaba­ta­­an Alyansa sa Pag-unlad (GUYS-AKAP) founding member at adviser, barangay chair­man Rey Mark John “Mac” Navarro, “hindi porke patay na ang isang tao ay puwede nang ba­bu­yin ang bangkay, kahit ito wala nang buhay, nararapat na sila’y mabigyan ng dignidad at disenteng libing.

Ang pahayag ay gina­wa ni Navarro, matapos dumulog sa kanilang tang­gapan si Reggie Caponpon, residente sa Barangay Bahay Toro, Quezon City upang ireklamo ang umano’y pambababoy ng isang punerarya sa bangkay ng kanyang kapatid.

Sinabi Reggie, kapatid ng namayapang si Alvin Caponpon, nababoy ang labi ng kanyang kuya nang ilagak sa punenarya na ka-tie up ng pro­gramang libre palibing ng isang mambabatas.

Aniya, kahabag-ha­bag umano ang sinapit ng kanyang kuya sa natu­rang punerarya nang ilapag ang bangkay nito sa lupa ng mga tauhan ng punerarya na walang ID, naka-tsinelas, nakahubad , walang mask at walang gloves.

“Nakita ko po na inilapag ng mga tauhan ng punerya sa lupa ang kuya ko sa parking lot may sampung bahay ang layo sa opisina ng pune­rarya at ‘yung mga nag-aasikaso walang gloves, walang mask, walang ID at mga nakahubad.

Umaalingasaw ang gamot, napaka-un­sani­tary ng lugar at inilagay muna ang kuya ko sa lupa bago inilipat sa sasakyan para dalhin sa chapel na pagbuburulan ng kuya,” pahayag ni Reggie.

Nanlumo rin aniya ang kanyang pamilya sa pangyayari dahil ang coordinator mismo ng mambabatas ang lumapit sa kanila na bibigyan nang maayos at libreng palibing pero kabalik­taran ang nangyari.

“Akala namin mabi­bigyan kami nang libre at maayos na serbisyo at pagpapalibing ng aming kuya dahil lumapit sa amin ang isang co­ordinator (ng mamba­batas) pero pinabayaaan kami at binaboy ang kuya ko at ginigipit kami na bumili ng kabaong para mabilis ang serbisyo,” ani Reggie.

Nakita rin ng kanyang pamilya ang kuya niya habang dinadamitan saka isinakay sa L300 van na pinatungan ng dalawang dos por dos na kahoy at sa ibabaw nito ay nilag­yan ng isang kabaong na pagmamay-ari ng ibang kliyente ng punerarya.

Aniya, akala nila ay libre ang serbisyo ng punerarya sa kanila batay sa pangako ng co­ordi­nator ng mambabatas pero bukod sa pinabibili sila ng kabaong na P10,000 ng punerarya ay may babayaran pa silang P25,000 funeral service.

“Lumapit ‘yung coordinator (ng mam­babatas) sa amin at sabi libre ang palibing at service ng asawa ko dahil may programa raw para roon pero pangako lang pala un na napako lang, ginigipit kami ngayon ng punerarya na magbayad agad sa kanilang serbisyo sa amin e sobrang pangit ng serbisyo nila? pahayag ni Grace Caponpon, asawa ng namatay na si Alvin.

“Isa na lang ang kulang sa requirements namin ‘yung indigency certificate para maayos ng SSDD ng QC hall ang utang namin sa pune­rarya pero ang tanong namin, nasaan na ang pangakong tulong? Bakit nawala na sila ngayong kailangan namin sila?” sabi ng pamilya.

Ayon sa GUYS-AKAP, pag-aaralan nila ang reklamo ni Caponpon at idudulog sa kanilang legal team para kaagad itong mabigyan ng legal na ayuda sakaling makitaan ng “probable cause” ang reklamo.

Binalaan din ng grupo ang mga residente ng lungsod na mag-ingat sa mga programang nag-aalok ng libreng palibing upang hindi matulad sa sinapit ng pamilya Caponpon.

Ang GUYS-AKAP ay lokal na sangay ng GUYS Movement na pamban­sang koalisyon ng mga organisasyon at lider-kabataan na nanini­walang ang tunay na pagbabago ay nagsisi­mula sa ating mga sarili.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *