Thursday , December 26 2024

Buwis sa QC walang taas kay JOYB

NANGAKO si QC Vice Mayor Joy Belmonte na walang magaganap na pagtataas sa singil sa buwis sa Quezon City sa ilalim ng kanyang panu­nukulan, oras na maging Mayor ng lunsod.

Ayon kay Belmonte, hindi kailangan magka­roon ng pagtaas ng ko­leksiyon sa buwis sa QC kung hindi kailangan na maisaayos ang sistema ng pagbubuwis para ma­ka­kolekta nang mas ma­ta­as na kita ang lunsod.

Aniya, hindi na kai­langan pang dagdagan ang pasanin ng mga tagalungsod at dagdagan ang kanilang gastusin  para lamang tumaas ang koleksiyon ng QC bagkus ay mas kailangang big­yang pansin ang tunay na serbisyo ng  lokal na pa­ma­halaan sa bawat komunidad.

“The solution is not in tax increases. The solution is in improving tax collection. Ang dapat mapunta sa bayan, dapat ibigay sa bayan, tataas naman nang kusa ang pondo ng lungsod basta tama at maayos ang pangongolekta. Magka­karoon tayo ng pagtaas sa revenue. I assure you that there will be no tax increase in my time. Not in my term,” dagdag ni Belmonte.

Inilinaw din na wa­lang 500 percent increase sa real property tax bunsod ng fair market value ordinance sa QC  na kasalukuyang naka­suspende .

Aniya, ang market value o halaga ng ari-arian ang tataas upang mas makinabang ang mga may-ari nito kung saka­ling ibebenta nila ang kanilang property  sa hinaharap.

“The ordinance sim­ply increases the market value of properties in Quezon City. Actually, the local government code mandates the increase in fair market value every three years. But it’s been 21 years when we last had the market value increase and the DILG [Depart­ment of Interior and Local Government] has sent us a memo already. That’s why we have to do this,” ayon kay Belmonte.

Binigyang diin ni Joy B., sa Metro Manila, ang QC ang may pinaka­mababang fair market value sa properties.

“In the end, it will be the owners’ gain if they decided to sell their properties. I think we just need to explain it to them properly,” paliwanag ni Belmonte.

Anya, magsasagawa ang sanggunian ng dag­dag na public con­sul­tations sa publiko upang malaman ang hinaing ng homeowners, tuloy ay makatulong sa kanila para sa mas maa­yos na pamumuhay sa lunsod.

Sinabi ni Belmonte, papakinggan nila ang hinaing ng bawat mama­mayan hinggil dito dahil kinikilala nila ang kara­patan ng bawat mama­mayan na ihayag ang kanilang mga saloobin at mula doo’y bibigyan ng solusyon ang mga pro­blemang kinakaharap para sa kapakanan ng kani-kanilang pamilya.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *