Friday , May 17 2024

Sylvia Sanchez at Rhea Tan, swak ang tandem sa paglago ng BeauteDerm

ISANG mahusay na aktres na nabigyan ng break na magbida sa TV series na The Greatest Love at isang hard working, charming, at maabilidad na CEO ang nag-tandem two years ago, at ang resulta — ang pagiging matagumpay at patuloy na paglago ng BeauteDerm.

Pumirmang muli ng kontrata si Ms. Sylvia bilang Face of Beaute­Derm kasama ang Beaute­Derm CEO and owner na si Ms. Rhea Anicoche Tan last April 4 sa Annabel’s Res­taurant sa Tomas Morato.

Masaya ang Kapa­milya aktres sa kani­lang partnership ng Beaute­Derm. “Happy at kontento ako sa BeauteDerm at ipinag­mamalaki ko ang Beaute­Derm kasi tala­gang ginagamit ko ang mga produkto nila especially ang day cream at night cream pati ang BeauteDerm soap and makikita n’yo naman ang resulta,” aniya.

Wika a ni Ms. Sylvia, “Kahit 47 na ako, naka­tutuwa kapag may nagsasabi na mukha akong bata kaysa edad ko, blooming at fresh pa raw dahil sa BeauteDerm. Masasabi ko na natulungan ako ng BeauteDerm at natulungan ko rin sila. Iyon ang mahalaga e, nagkakatulungan kami. Kaya thank you sa BeauteDerm, kay Rei-Rei, kay Sam, at sa family nila kasi pamilya na rin ang turingan namin.”

Si Sylvia ay isa sa mga pinaka-accomplished na aktres ngayon na ang career ay higit tatlong dekada na. Lumabas sa mahigit 50 main­stream films na iba’t iba ang genre at ang latest na Jesusa ay nanalo siyang Best Actress sa 5th Sinag Maynila at OFW, The Movie na naiibang pag­ganap ang matu­tunghayan sa kanya. Sa telebisyon, luma­bas siya sa higit 40 serye at drama antho­logies hanggang sa break­through role niya bilang si Teresita sa series na Be Careful With My Heart, na nag­dala na­man sa kanya sa unang lead role as Gloria sa The Greatest Love.

Ayon naman kay Ms. Rhea, deserving si Ms. Sylvia na ipagpatuloy ang pagiging endorser dahil malaki ang naitulong ng magaling na aktres para mas makilala pa at mas lumaki pa ang Beaute­Derm. “She made the family bigger, kaya I’m very grateful. From 20 branches two years ago noong una namin siyang ini-launch as Face of BeauteDerm, now we have 60 branches all over the Philippines plus one in Singapore and we are growing because of Ate Sylvia,” aniya.

Esplika pa ng lady boss ng BeauteDerm, “Ang endorser kasi ng isang brand, para mas makilala at iyon ang na-appreciate ko kay Ate Sylvia, hindi lang iyong nandoon sa kontrata ang ginagawa niya para sa BeauteDerm. She’s a very effective endorser. Looking forward kami na makatrabaho siya sa mga darating na buwan lalo na ngayon na ipagdiriwang na namin ang aming ika-10 anibersaryo.”

Itinatag ang Beautederm noong 2009 ni Ms. Rhea, kinakatawan nito ang prinsipyo niya na nagsisimula ang kagandahan sa pag-aalaga sa sarili at dahil dito’y mas magiging malusog ang isang tao at makapagpapamalas ng kagandahan hindi lang sa panlabas na kaanyuan ngunit sa kabuuan ng kanyang pagkatao na rin.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang taon na rin ang nakararaan, may isang abogado na …

Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira ‘di naiwasang ‘madala’ sa kanya-kanyang role

MAGANDA na talaga ang tila balik-normal na activity ng mga tao lalo na ‘yung mahihilig …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *