Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isang Linggong Pag-ibig ni Imelda, pang-milenyal na

WELL attended ng press ang ginanap na contract signing ni L.A. Santos sa Star Music noong Martes, March 26 dahil sa pag-revive nito sa awiting pinasikat ni Imelda Papin, ang Isang Linggong Pag-ibig na ginanap sa Papa Kim’s Resto sa Quezon City.

Dumalo sina Roxy Liquigan at Jonathan Manalo ng Star Music na ayon sa una, first time nilang narinig ang millennial version na kinanta ni L.A. Kaya naman nasabi nilang kailangang i-release dahil mayroon itong malaking potensiyal na sumikat tulad ng Dahil Sa ‘Yo ni Inigo Pascual.

Sa interbyu ng Sentimentalist Songstress, nasabi nito na kapag gagawan niya ng revival ang Isang Linggong Pag-ibig ay kailangan na male version at aangkop sa panahon ngayon ng milenyal.

“Si L.A. talaga ang unang pumasok sa isip ko na sobra kong ikinatuwa dahil nalaman kong matagal na pala niya itong gusto. Gusto niya itong kinakanta at pangarap pang irekord,” lahad ni Imelda.

Inamin din nito na maraming lumapit sa kanya noon para i-revive ang kanta pero hindi siya pumayag. ”Hindi ko kasi nakita ang tamang kakanta hanggang dumating sa akin si L.A. Santos,” sambit pa ni Imelda.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …