HABANG wala pang teleserye o pelikulang ginagawa, abala si Alden Richards sa Eat Bulaga at Sunday Pinasaya.
Pero hindi lang nakadepende ang buhay ng Kapuso actor sa kanyang showbiz career dahil tinututukan din niya ang kanyang negosyo. Personal niyang pinangangasiwaan ang kanyang restaurant business.
Katunayan, may bago na naman siyang branch na bubuksan ngayong Abril.
Magbubukas din siya ng isang prangkisa ng isang fastfood chain sa kanyang hometown sa Laguna.
Hindi naman akalain ng aktor na magtatagumpay siya sa kanyang negosyo.
Ayon kay Alden, pinaghahandaan niya ang future niya at ng kanyang pamilya. (Joe Cezar)