Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fake news ang isyung suspended sa Eat Bulaga si Maine Mendoza

LAST Saturday ay happy ang fans ni Maine Mendoza at muli siyang napanood sa public service segment ng Eat Bulaga na Juan For All, All For Juan at namigay na naman ng sangkatutak na pa­pre­m­yo sa sugod bahay win­ner nang araw na iyon. Huling napanood si Maine sa show noong March 2 nang mag-celebrate siya ng kanyang birthday sa show.

At dahil matagal siyang hindi nakikita sa Bulaga ay hindi natin masisi ‘yung iba kung mag-isip sila na tinanggal na si Maine dito o kaya suspendido?

Pero agad naman pinabulaanan ng manager ni Maine na si Sir Rams David at ng Vice President ng Tape Inc., na si Ma’am Malou Choa-Fagar ang fake news.

Sabi nila, hindi totoong suspended si Maine. Sa katunayan nang magkabasyon ang tropa ng EB sa bansang Israel na treat sa kanila ni Sir Tony Tuviera ay kasama roon si Maine. Kaya malinaw na fake news ang isyung tsugi na si Yaya Dub sa No.1 and longest-running noontime variety show na nagpasikat nang husto ng pangalan niya sa showbiz.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …