Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. JV to Erap: I owe him a lot

HINDI nawawala ang respeto ni Sen. JV Ejercito sa kanyang amang si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada. Bunsod ito ng pagpayag na tumakbo ring senador ang kapatid na si Jinggoy Estrada.

Aminado ang tumatakbo pa ring senador ngayong eleksiyon, na malaki ang epekto sa kanya ng pagtakbo ng kanyang kapatid. Kaya naman medyo nagtampo siya sa kanyang ama.

Pero iginiit ng re-electionist senator na, “Okay na kami (ng ama). Nagkita na kami. Matagal din kaming nag-usap kasi nga noong una hindi ako pabor na dalawa kaming (ni Jinggoy) pinayagan na tumakbo.

“Kasi ‘yung chances of winning ko, naapektuhan. Kasi, nanghihinayang din naman ako. Sabi ko, ang ganda naman ng performance ko, sana lang pinatapos muna (‘yung term ko). Kaya lang nandiyan na ‘yan, eh,” ani JV nang makipagtsikahan siya isang gabi sa mga entertainment press.

Giit ni JV ukol sa ama, “I owe a lot to him, ang buhay ko, kung nasaan ako ngayon, ‘di ba? So, siyempre nasaktan ako noong dalawa nga kami (tatakbo), hindi naman mawawala ‘yun, eh. Politika lang ito.”

Ang mahalaga kay JV, nagkausap na sila nga ama, “and it’s a good start,” sambit pa ng senador.

Ukol naman kay Jinggoy, hindi pa sila nagkaka-usap pero tiyak namang magkaka-ayos din sila.

Kaya good luck na lamang sa aming dalawa,” anito pa.

Sa kabilang banda, ibinalita ng senador na aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Health Care na matagal na niyang isinusulong.

The Universal Health Care law will transform the health seeking behavior of Filipinos. UHC makes medical consultation and several basic laboratory tests affordable and accessible. This will allow the people to value their health more by regularly consulting with doctors.

“Ibig sabihin, hindi na mangangamba ang ating mga kababayan tuwing sila’y magkakasakit o sa mga pagkakataon na madapuan ng karamdaman ang kanilang mga mahal sa buhay,” giit pa ni Sen. JV.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …