Saturday , May 18 2024

Nicko, ‘di pa absuwelto — Atty. Fortun

NAGPAUNLAK ng panayam ang legal counsel ni Kris Aquino na si Atty. Sigfrid Fortun sa online website na PEP na sumusubaybay sa bakbakang Kris at sa magkapatid na Nicko at Atty. Jesus Falcis.

Nasulat kasi na nakadalawang panalo na si Nicko sa kasong 44 counts of qualified theft sa Makati at Pasig na magkasunod na dinismiss noong Biyernes at nitong Martes.

Ayon kay Atty Sigfrid, “There are still 6 other cases left. The result of the 2 will not affect the 6 others.

“Even if it does, none of the dismissed cases found absence of wrongdoing by respondent. It in fact found that credit was used by respondent for the purchase of goods using a company card.

“So, he (Nicko) is not yet off the hook. And he will still have a lot to pay for what he had done. Hindi pa tapos ang laban. Huwag muna umastang panalo na,” saad ng abogado ni Kris sa PEP.

Sa mga nagtatanong kung bakit sa pitong siyudad sa Metro Manila isinampa ni Kris ang kasong 44 counts of qualified theft ay dahil sa mga nabanggit na lugar din ginamit ni Nicko ang credit card na pag-aari ng KCA Productions na pampersonal.

At sa katunayan ay nag-offer pa si Nicko na babayaran niya ang mga nagastos niya.

Umaasa ang kampo ni Kris na sa mga siyudad ng San Juan, Mandaluyong, Taguig, Manila, at Quezon City ay mabibigyan siya ng hustisya laban sa kasong isinampa niya sa rating tauhan sa KCAP.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *