Friday , June 5 2026
yosi Cigarette

Mandaluyong kinilalang 100% Smoke-free city

PINURI ng Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ang lokal na pamahalaan ng Man­daluyong sa  ipina­tupad nitong “100% smoke-free policy” sa lungsod.

Sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim, pinagkakalooban ng pagkilala ng ahensiya ang pagsusumikap ng Mandaluyong sa pro­mosyon nang maayos na kalusugan at maba­wasan ang pamama­yani ng sakit na may kinalaman sa panini­garilyo.

“Mainit po nating binabati ang lokal na pamahalaan ng Manda­luyong para sa walang patid na pagpapatupad ng kanilang 100% smoke-free policy,” ani Lim.

Ang Ordinance No. 671, na tinatawag na “Comprehensive Smoke-Free Ordinance of the City of Mandaluyong,” ay ipinasa at naaprobahan ng Sangguniang Panlungsod ng Mandaluyong noong 17 Hulyo 2017.

Layunin nitong i-regulate ang paggamit, pagbebenta, pamama­hagi at paglalathala ng sigarilyo at iba pang tobacco products sa lungsod.

Ang Smoke-Free Task Force (SFTF) ng Manda­luyong katuwang ang MMDA ay nagmo-monitor ng pagbebenta ng tobacco products sa mga pampublikong establi­simiyento, lalo ang mala­pit sa mga eskuwelahan.

Ang SFTF ay binubuo ng mga pulis, kawani ng lungsod at mga opisyal ng barangay.

Taon 2018, umabot sa 6,283 indibiduwal ang nahuling naninigarilyo sa pampublikong lugar habang 292

may-ari ng tindahan ang nahuling nagbebenta ng sigarilyo malapit sa eskuwelahan, ayon kay Col. Roseller Sta. Maria, hepe ng Mandaluyong City Ordinance Enforce­ment Division.

Ayon kay Manda­luyong City Mayor Carmelita “Menchie” Abalos, target ng Man­da­luyong na masungkit muli ang isa pang Red Orchid Award at umaasa na makamit ang Hall of Fame distinction tulad ng Balanga City, Bataan.

Naniniwala ang MMDA na magtata­gumpay ang Mandalu­yong na maging model smoke-free lungsod hindi sa lang Kalakhang Maynila kundi sa buong bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …