LABIS ang kagalakan ni James Merquise dahil finally ay natupad ang dream niyang maging bahagi ng top rating TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Saad ni James, “Sobrang masaya po ako dahil nakasama na rin po ako sa Ang Probinsyano bilang isa sa mga tao po ni Homer (Jhong Hilario).”
Anong masasabi niya kay Jhong? “Mabait po si idol Jhong Hilario, super-bait po niya. Nakatutuwa nga po, kasi kahit nagpapahinga siya sa tent niya ay pumayag siyang magpa-picture sa amin ng isang kasama ko na tauhan din niya sa serye, as goons din po.”
Ipinahayag din ni James na umaasa siyang makaeeksena rin dito ang idol niyang si Coco.
“Oo nga po, natutuwa ako dahil finally ay naisama rin ako sa TV series ni idol Coco Martin na number 1 sa buong Filipinas and one of the longest running teleserye on TV… I hope tumagal po ako sa Probinsyano at makaeksena ko si Direk Coco.”
Thankful din siya sa Golden Tiger Films at kay Direk Anthony Hernandez dahil nakapasa siya sa ginawa nilang audition recently.
“Tanggap po ako sa Golden Tiger Films, isasama raw po ako ni direk Anthony Hernandez sa mga movies nila, na ang start po ng shooting ay this March,” masayang sambit pa ni James.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio