Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ArDub Maine Mendoza Arjo Atayde

Arjo, ‘di totoong binawi na exclusively dating sila ni Maine —Imbento

I MBENTO ‘yan, ha ha ha,” ito ang sagot sa amin ni Arjo Atayde nang i-text namin kung totoong binawi niya ang inaming ginawa ukol sa exclusively dating sila ni Maine Mendoza pagkatapos ng mediacon ng TOL nitong Martes.

Habang isinasagawa ang mediacon ng Bato, The General Ronald dela Rosa Story sa Valencia Events Place kahapon ay tinanong kami ng mga katoto kung napanood namin ang panayam ni Arjo kay Anthony Taberna sa programang Umagang Kay Ganda kahapon ng umaga na roon daw binawi ng binata ang unang tinuran ukol kay Maine.

Inalam namin sa aktor kung na-interview siya ni Ka Tunying, “bahay lang po ako tita, medyo maysakit,” sagot ni Arjo.

Umarya na naman kasi ang bashers sa pagbawi raw ito ng aktor at pinaratangang walang isang salita.

“Ha ha ha, patawa sila (bashers), mamaya nga may date, anong bawi?” sabi pa ng aktor.

Sa bashers ni Arjo, sana ‘yung totoo naman ang ibalita ninyo para hindi kayo katawa-tawa!

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …