Thursday , May 9 2024

Villafuerte gustong patalsikin si Andaya

NANAWAGAN si Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte (NP) ng agarang pagpapatalsik sa puwesto kay House majority leader Rolando Andaya, Jr., sa ginawang lantarang pag-atake kay Budget Secre­tary Benjamin Diokno na maitu­turing umanong direktang pag-atake kay Pangulong Rodrigo  Duterte. 

Ngayong Lunes, muling magbu­bukas ang sesyon ng dalawang kapulu­ngan ng kongreso at sinabing hu­husga­han ang kapalaran ni Andaya na umano’y dumarami ang mga mamaba­batas na miyembro ng mayorya  ang nadesmaya sa ginawa niyang pag-atake sa DBM (Department of Budget and Management).

“Andaya has strangely become the No. 1 political arch foe of President Duterte in the House of Representatives with his continuing hatchet job against Secretary Benjamin Diokno and the Department of Budget and Management (DBM) which is obviously meant to torpedo the passage of the proposed 2019 GAA in time for the end-January target of the senators as stated by Senate President Vicente Sotto III,”  ani Villafuerte.

Iginiit ni Villafuerte na dapat palitan si Andaya sa kanyang puwesto dahil sa kanyang pagtraidor sa interes ng pro-administration coalition at ng sambayanang Filipino.

Ngunit hanggang sa kasalu­kuyan, hindi pa rin tumutugon o naglalabas ng pahayag si Andaya kaugnay sa hamon ni Villafuerte.

Tinukoy ni Villafuerte, sa sandaling mabigong tumigil sa pag-atake si Andaya laban kay Diokno ay hindi malayong pagdu­dahan na bahagi ang majority leader sa mga grupong nagna­nais na pabagsakin o may dez­tabilization plot sa ilalim ng Duterte administration  bago ang halalan.

“My fellow Bicolano legislator has unfortunately become the odd man out in the current House leadership, given that his No. 1 job as majority leader is to shepherd through the bigger chamber the legislative agenda of the government, including the annual GAA (General Appro­priations Act), that would let President Duterte deliver on his campaign promises to the Filipino people,” panawagan ni Villa­fuerte.

Magugunitang ang komite on rules ni Andaya ay nagsasa­gawa ng imbestigasyon sa uma­no’y ginagawang manipu­lasyon ni Diokno sa annual budget upang paburan ang ilang indbidu­wal partikular ang in-laws ng kanyang anak na si Charlotte na nasa construction business.

Ibinunyag ni Diokno na ang tunay na kadahilanan kung bakit kinukuwestiyon siya ni Andayas ay dahil tumanggi siyang ilabas ang road users’ fund habang nakabinbin ang panukalang abolisyon ng Road Users Board.

Nagbabala rin si Villafuerte sa mga kapwa mambabatas kung hindi titigil si Andaya sa paninira o pag-atake kay Diokno ay tiyak na hindi mapagtitibay ang 2019 proposed national budget bagkus ay buong taon na ang gagamitin ay reenacted o ‘yung pondo noong  2018.

Binigyang-diin ni Villafuetre, ito ang tamang panahon para kausapin ng majority coalition si Andaya kung siya ba ay kasama nila o hindi.

Sinabi ni Villafuerte, maaring maresolba ng bicameral con­ference committee ang isyu kung kanilang tatanggapin ang NEP sa kanilang pagbabalik sa sesyon mula sa bakasyon. 

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

050824 Hataw Frontpage

Sa dagdag na presyo sa singil ng koryente  
SOLON PINIGILAN AKSIYON NG ERC SA POWER DEAL

HINIMOK ng vice chairman ng House committee on energy ang Energy Regulatory Commission (ERC) na …

Sa kontrobersiyal na leaked PDEA Report 
MARICEL UMAMING ‘COCAINE CONDO’ DATING SA KANYA

HATAW News Team INAMIN ng aktres na si Maricel Soriano kahapon na pag-aari niya ang …

Sa Ayungin shoal
‘SECRET AGREEMENT’ LABAG SA KONSTI — MANILA SOLON

LABAG sa Saligang Batas ang sinabing kasunduan ng China at ng Filipinas tungkol sa pamamahala …

customs BOC

Kung walang sampol, anti-smuggling act na batas walang saysay — AGAP Solon

NANINIWALA si AGAP Partylist Rep. Nick Briones na walang saysay ang utos ni Pangulong Ferdinand …

UAE royalties Artwork Lope De Vega basketball court Sta Cruz Maynila

Artwork ng mukha ng UAE royalties, atraksiyon sa Lope De Vega basketball court, Sta. Cruz, Maynila

ISANG kakaibang basketball court artwork na nagpapakita ng mga imahen ng mga lider ng bansang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *