Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon Cuneta, may proyekto kay Direk Erik Matti

SA naging pagtanggap ng mga tagahanga nila sa muli nilang pagsasama sa Three Words to Forever maski pa gustuhin nina Sharon Cuneta at Richard Gomez na magkaroon pa ito ng kasunod, malamang na kantahin na lang nang kantahin ni Sharon ang Maybe Someday para sa ex niya.

Pareho na kasing haharap na naman sa bagong mga pagkakaabalahan ang dalawa.

Nauna na nga ang album launch ni Mega sa Eastwood Open Park noong Sabado ng gabi. Para ito sa mga nabitin din sa kanyang 40th anniversary concert na ibinalita rin niyang magkakaroon ng kumbaga eh, book 2 dahil alam niyang nabitin ang kanyang  Sharonians.

Malamang na mangyari ito sa kanyang birthday on January 6, 2019.

She will leave for Singapore sa February 10, 2019 for a concert doon. And by March naman eh ang kanyang Canada and North America tours.

Excited at enjoy man si Mega sa mga sunod-sunod na naman niyang pinagkakaabalahan at lalo siyang na-inspire nang kaagad nilang matapos ni Jonathan Manalo ang album para sa Star Music na malamang na may kasunod na uli.

Guilty lang si Mega at wala siyang gaanong partisipasyon sa paghahanda ng anak na si Frankie sa idaraos na debut nito this weekend.

Naaawa nga siya sa dalaga at maski pa subsob ito sa pagre-review for her exams at nagkakasakit na, sige ang pagiging hands-on sa nais na mangyari sa kanyang ika-18 kaarawan.

Babawi naman si Mega in every way.

Eh, isa pa palang nagpapataas sa adrenalin rush nito eh, ang pagtanggap ng proyekto kay direk Erik Matti. 

No! Hindi as Darna! Anobey? Iniwan na nga ni Direk Erik ‘yan ‘no at nagampanan na ni Shawie.

Hindi pa niya pwedeng idetalye ito. Pero ibang-iba sa mga nagampanan na niya dahil ang tanging clue na ibinigay niya eh more on facial reactions ang gagamitin niya.

No, wala namang sinabing silent movie si Mega sa launch ng kanyang album na natulikap ko lang that night sa Eastwood.

We had a taste of the new songs. At gaya ng sinabi ni Mega na may history na siya sa kanyang audience when it comes to her type or kind of music na ibinibigay sa kanila, panalo na naman ito para sa kanyang mga dear hearts.

Get na your copies. Maski nasa platforms na ito onlie, may physical copy pa rin worth your money at P350.

HARDTALK
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …