Sunday , November 24 2024
Duterte Roque
Duterte Roque

Secretary Harry Roque ‘nagtampo ba’ sa karinyo-brutal ni Pangulong Digong?

DALAWANG beses nasopla nitong nakaraang linggo si Secretary Harry Roque.

Una nang panindigan niya na hindi nagpunta sa doktor o ospital si Pangulong Rodrigo Duterte pero pagkaraan ay umamin ang mismong Pangulo na galing nga siya sa ospital dahil kailangan siyang isalang sa endoscopy.

Ikalawa, nang tahasang sabihin ng Pangulo na ‘walang kapana-panalo’ si Roque sa Senado dahil ayaw sa kanya ng mga sundalo.

Aba, daig pa ang sinampal sa mukha ni Secretary Roque, pero sabi nga niya, ‘yung sinabi umano ng Pangulo, “typical Duterte” daw ‘yun — ganoon daw ang karinyo brutal ng Pangulo.

Sabi ng Pangulo, “Ayan sila si Roque, gusto mag-senador. Sabi ko, ‘Tama ka na. T*** i** diyan. Standby ka. Bigyan kita ibang trabaho. Hindi ka manalo diyan.’ ‘Bakit?’ ‘A ‘yung mga sundalo ayaw sa iyo.’”

Sinabi mismo ‘yan ng Pangulo sa Philippine Military Academy alumni sa Malacañang.

Pero ayon kay Roque, gusto raw muna niyang magpahinga at pag-iisipan ang alok ng Pangulo dahil ang sinasabing posisyon ay wala pa.

Kaya sabi ni Secretary Harry, “While there was no categorical agreement on what to do, I did say I will consider it and I wanted the weekend to think it over.”

Kasabay nito, inupakan niya ang Senate race sa bansa na tila isang popular contest, ‘yung “old and familiar names” ang laging nananalo sa eleksiyon.

Sinabi rin niya na mukhang hindi na naba­bagay sa kanya ang maging Presidential spokes­person matapos ang insidente na tila siya ay ‘naiwan sa dilim’ nag hindi sinabi sa kanya ang tunay na kalagayan ng kalusugan ng Pangulo.

Lumabas nga naman tuloy na nagsi­nu­ngaling siya sa tunay na kalagayan ng Pangulo.

“In my decision on whether not to run, to accept whatever the Office of the President may have, I will consider the fact that in this capacity as spokesperson, I must know every­thing about the president,” pahayag ni Roque.

“I do concede that his going to the diagnostic exam was something I did not know and therefore, I’m inclined to believe that perhaps I’m not in a position to continue with this current function.”

Ang sakit!

Ramdam natin ang pahayag ni Secretary Roque.

Pinakamahirap talagang matsubibo. At dahil si Roque ay isang taong marunong manindigan, mukhang hindi na rin niya kayang magbalik bilang spokesperson ng Pangulo dahil nagmukha nga siyang sinungaling.

Tsk tsk tsk…

What’s next?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *