Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Tserman patay sa ambush sa Pasay

PATAY ang isang ba­rangay chairman maka­raan pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem habang nakau­po sa labas ng outpost ng Brgy. 28, Zone 4, sa Pasay City, nitong Miyer­koles ng gabi.

Binawian ng buhay bago idating sa Pasay City General Hospital  dahil sa dalawang tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang biktimang si Jovie Decena, 47, chair­man ng Brgy. 28, at residente sa 182 Toyo Compound, Villaruel St., sa naturang lungsod.

Ayon sa report na natanggap ni Pasay City police chief, S/Supt. Noel Flores, nangyari ang pamamaril sa barangay outpost sa Villaruel St., dakong 10:30 ng gabi.

Sinabi ni Barangay Kagawad Federico Man­due, magkatabi silang nakaupo ng biktima at nagkukuwentohan nang sumulpot ang riding-in-tandem na may takip ang mukha at pinag­babaril si Decena.

Dahil sa takot, tu­makbo si Mandue at nagtago sa isang bahay. Makaraan ang walong putok ng baril ay tuma­kas ang mga suspek sa hindi nabatid na direk­siyon. Isinugod ang bikti­ma sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi umabot nang buhay.

Si Decena ay second term na bilang tserman habang ayon kay Man­due, wala siyang alam na may nakaaway ang biktima at hindi rin sang­kot sa droga.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …