Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gaming mogul Kazuo Okada arestado sa HK

INARESTO ng operatiba ng Inde­pendent Commission Against Cor­ruption (ICAC) sa Hong Kong ang Japanese gaming tycoon na si Kazuo Okada, ang dating chief executive officer ng Okada Manila, noong nakaraang linggo.

Batay sa ulat ng Chinese tabloid na Headline Daily, inaresto si Okada kasama ang isang Li Jian bunsod ng pakiki­pagsabwatan sa umano’y pandarambong sa Okada Holdings, isang Hong Kong-registered com­pany,  na nagkaka­halaga ng 135 million yuan o katumbas ng US$19.7M.

Si Li Jian,  ang uma­no’y director ng New Games Corp.,  ay sinasa­bing tumanggap ng one million yuan mula kay Okada, ayon sa report.

Ang ICAC ang nag-iimbestiga sa corruption cases sa Hong Kong na nagagawa ng public officials.

Ang krimen ng private individuals na sangkot ang public official  ay sakop din ng ICAC.

Ang pag-aresto sa Japanese gaming mogul ay nalathala sa Headline Daily nitong 1 Agosto 2018 na naroroon ang larawan ni Okada na nasa loob ng isang sasakyan kasama ang dalawang babaeng escort na ele­mento ng ICAC.

Ang pag-aresto ay naiulat din ng online Chinese publications sa Hong Kong.

Si Okada, dating CEO ng Okada Manila na pag-aari ng Tiger Resort Leisure & Entertainment Inc., (TRLEI), ay nahaha­rap sa iba’t ibang kaso ng estafa sa Filipinas bunsod ng umano’y paglustay nang mahigit US$10 milyon  mula sa pondo ng naturang kompanya.

Ang reklamo laban kay Okada na inihain ng majority shareholders ng TRLEI ay nakabinbin pa sa Department of Justice.

Una nang umapela ang TRLEI  sa DOJ na ibasura ang nau­nang resolution na inisyu ng Parañaque City Pro­secutor’s Office   na nag-leak sa social media ma­ka­raang i-post ito ng Ko­rean girlfriend ni Okada na si  Chloe Kim noong 18 Mayo 2018.

Ayon sa TRLEI, ang leakage ay nagtaglay  ng “wrongful disposition and resolution” sa mga kaso. Nagkaroon umano ng paglabag sa karapatan ng TRLEI at ng due pro­cess ang pag-leak ng resolutions.

“The leakage not only violated pertinent laws on public officers but also seriously damaged the credibility, independence, and integrity of the assailed resolutions as well as of the Office of the City Prosecutor,” ayon sa TRLEI.

Dahil sa kontrobersi­yal na leaked resolution, nagbunsod ito kay Justice Secretary Menardo Gue­var­ra na ipag-utos sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang sir­kum­s­tansiya na umuug­nay sa leakage ng dalawang resolutions na inisyu ni City Prosecutor Amerhassan Paudac.

“Premature dis­clo­sure of orders and resolu­tions prior to official release is not allowed unless there are compel­ling reasons that would sufficiently justify the same,” ayon kay Guevar­ra.

Sa record, ang unang estafa case na isinampa ng TRLEI ay illegal disbursement ni Okada sa company funds na nag­ka­kahalaga ng US$3.1 milyon na itinuring na consultancy fees and salaries kahit isang bu­wan lamang siyang na­nung­kulan bilang CEO sa pamamagitan ng kan­yang kasabwat na si Takahiro Usui, ang dating TRLEI president.

Paglilinaw ng TRLEI, ang nasabing disburse­ment ay hindi awtorisado ng board of directors ng kompanya.

Ang ikalawang estafa case ay sangkot ang US$7-milyon na supply contract sa light emitting diode (LED) fixtures sa Okada Manila  na ang naging supplier ay  kom­pan­ya mismo ni Okada na  Aruze Philippines Manufacturing Inc. (APMI), kasabwat ang close associate ng Japa­nese tycoon na si  Kengo Takeda, dating chief tech­nology officer ng TRLEI.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …