Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mama Mia at Billionaire Boys Club, pinataob ng I Love You Hater

SAMANTALA, hindi nagpatinag ang ILYH sa mga kasabayan nitong nagbukas na Skycraper at Ant Man and The Wasp.  

Nitong Miyerkoles ay nagbukas ang Billionaire Boys Club at Mama Mia pero hindi pa rin natinag ang pelikula nina Kris, Joshua Garcia at Julia na nasa ikalawang linggo na.

At nitong Huwebes bumigay na ang Billionaire Boys Club sa Robinson’s Magnolia dahil tsinugi na ito samantalang nanatili pa rin ang ILYH na may limang screenings.

Sa Gateway Cinemas na kuwento mismo sa amin ng takilyera na rati ay nasa maliit na sinehan na lang ang I Love You, Hater, pero biglang inilipat sa Cinema 2, “bigla pong lumakas, eh.  ‘Yung mga bagong bukas (Mama Mia at Billionaire Boys Club) mahina, siguro dahil sa bagyo.”

True enough, mahina nga ang Mama Mia na palabas sa Cinema 3 dahil iilan lang kami sa loob ng sinehan at pagkatapos ay hindi pa maganda ang narinig naming feedback considering na masaya naman ang pelikula dahil musical.

Anyway, Hindi pa rin naglalabas ng figures ang Star Cinema kung nakaka-magkano na ang I Love You, Hater, pero base sa aming source ay kumabig ng mahigit P4-M nitong Miyerkoles at P3-M plus nitong Huwebes.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …