Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

Rapist na laborer arestado sa CCTV at ‘sutsot’

NATUKOY at naaresto ang isang laborer na pangunahing suspek sa panghahalay at pagnanakaw sa isang 14-anyos na dalagita sa Quezon City, kahapon dahil sa mga kuha sa CCTV camera at palagiang ‘pagsutsot’ sa biktima tuwing dumaraan sa harap ng pinagtatrabahuang construction site.

Lumuhod at humingi ng tawad ang suspek na si Randy Depra, nang magkaharap sila ng biktima sa Masambong police station sa Quezon City, kahapon.

Ayon sa pulisya, Martes ng madaling araw ay pinasok ng suspek ang kuwarto ng biktima. Nang magising ang dalagita ay tinutukan ni Depra ng baril sa sentido at cutter sa leeg.

Pagkaraan ay sinimulang hawakan ng suspek ang maseselang bahagi ng katawan ng biktimang isang Grade 9 student.  Alerto pa ang biktima kaya’t nakaisip siya ng palusot at sinabing pulis ang kaniyang ama.

Napatigil ang suspek, ngunit bago tumakas ay kinuha muna ang perang baon sana sa eskuwela ng biktima, at saka binusalan ang bibig at tinalian ang kamay ng dalagita.

Isang construction worker ang madalas daw sutsutan ang biktima kaya’t siya ay naging person of interest. Sa nakuha nilang CCTV footage, makikita ang suspek na nag-aayos ng shorts pagkagaling sa bahay ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …