Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy Internet Sensation, ipino-promote ang bansang Taipei

SA mga hindi YouTube aficionado, tiyak na hindi kilala ang internet sensation na si Mikey Bustos. Millions ang kanyang followers na ang hindi alam ng nakararami ay dalawang taong naging mainstay sa Bubble Gang ngGMA-7.

Napanood siya ni Michael V. sa YouTube at nagustuhan ang kanyang pagkokomedi kaya kinuha siya.

Napanood din siya ng Taipei Department of Information and Tourism at natipuhang kunin para i-promote ang kanilang bansa.

Sa ginanap na media launch ng Fun Taipei na ginanap sa Ascott Hotel sa Makati ay nandoon si Mikey para kantahin ang sikat na Taipei song, ang My New Crushie, theme song ng 2017 Summer Universiade na nagpapakita ng kagandahang mag-travel sa nasabing bansa dahil sa masasarap na pagkain at magagandang lugar na nakapaloob sa isang music video.

Ayon kay Deputy Commissioner of Taipei City’s Department of Information and Tourism Chen Yu-hsin, si Mikey ang kauna-unahang Pinoy na kinuha para i-promote ang Taipie as Perfect City for foodies and shopaholics. Mula nang inaprubahan ng Taiwan ang Visa-Free Program para sa mga bisitang Pinoys ay umabot ng 68.59% increase kumapara sa 172, 475 Pinoys noong 2016.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …