Monday , November 25 2024

Allona Amor, full-support sa pagsabak sa showbiz ng anak na si Nash Tillah

FULL-SUPPORT si Allona Amor sa panganay niyang anak na si Nash Tillah sa pagsabak sa mundo ng showbiz. Ang 15-year old na guwapitong binatilyo ay nagsisimula ngayon bilang model/singer na kamakailan ay nagpakitang gilas sa show nilang Grand Music Palace Philip­pines’ recital na ginanap saTeatrino, Greenhills.

Ayon kay Allona, bata pa lang ay kinakitaan na niya ng potensiyal ang kanyang anak. “Five years old po or six, su­masali na siya sa SM Little Stars, finalist lang po siya; Kiddie Stars, grand finalist; Sta. Lucia Little Stars, grand finalist din po kasa­ma niya noon sina Xyriel Mana­bat, Ataska, at sa Riverbank Little Stars-1st runner-up po.

“Marami na po siyang nasalihan that time na nakitaan ko ng potential sa pagkanta, sa pagsayaw. Dahil po sa school nila siya ang napipiling kumanta sa simbahan lalo na ‘pag may first communion, then kinukuha siya ng choir sa school nila. Then ‘pag may event sa school, siya rin po ang napipili na panl­aban ng class ‘pag may singing contest. Nanalo po siyang first runner-up.

“Akala ko nga po noong bata siya, politics ang tata­hakin niya kasi noong bata siya, gusto raw niyang maging presidente ng Filipinas, aa­yusin daw niya ang problema ng Filipinas. Matured po kasi siya noong bata pa siya,” panimula ng aktres.

Okay lang ba sa iyo na pumasok siya sa showbiz?

Sagot ni Allona, “Actually tito ang gusto ko talaga sa kanya ay TV commercial, print ads… ‘di ko po priorty ang pumasok siya sa mundo ko, ang showbiz. Pero ‘yun po ang gusto niya, sabi niya sa akin, ‘Mama pangako ko sa iyo magigng artista ako at sisikat ako.’ Hindi ko naman po sine­seryoso kasi sabi ko kung ipagkakaloob ng Panginoon okay lang po, kung hindi naman, okay lang din po.

“Sa ngayon po support lang ako sa gusto niya and ayaw kong harangin ang pangarap niya. Basta sabi ko, i-enjoy lang niya pati ‘yung learnings along the way sa buhay niya. Basta po lagi ako susuporta sa gusto niya as long as maganda at maayos kung saan siya mapa­pabuti at magiging masaya. Nandito lang po ako lagi sa tabi niya, nai-enrol ko na po siya sa voice lesson kay Vehnee Saturno, pero after ng session niya roon, lumipat kami kay coach Ryan Regala Manal ng Grand Music Palace. Sila po ang nag-organize ng concert nila sa Teatrino.

“Sobrang nag-enjoy si Nash sa group, lahat po friend niya at nailabas niya talaga rito ang talent niya sa pagkanta, lalong na-enhance po. ‘Yun po kasi ang gusto ni Nash, mala-High School Musical,” saad ni Allona.

Mapapanood si Nash sa Voices of July na gaganapin sa Music Box, Timog, Quezon City sa July 15, 2018, Sunday, 8pm. Mula sa direksiyon ni katotong Throy Catan. Ang iba pang magpe-perform dito ay sina Tori Garcia, Mavi Lozano, An­drew Gan, Anthony Rosaldo, Josh Yape, Ara Altamira, Maricar Aragon, Eric Cons­tantino, Eumir Jay Rader, Andy Baluyot, at Jennelyn Gagajena.

For Tickets para sa show na Voices of July, pls. call 09158507388 (02)5031309.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Nadine Lustre

Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto

HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *