“MY dad is probably the strongest person that I know. A lot has happened last year and I’m just really happy that siya ‘yung anchor namin. So, siya talaga ‘yung humahawak sa aming lahat na hindi kami basta-basta maggi-give up. Siya ‘yung nagpapasaya sa amin all the time. He is amazing.” Ito ang message ni Nadine Lustre sa kanyang loving at very supportive daddy na si Tito Ulyses Lustre.
May hugot ang naging mensahe ni Nadine dahil hindi nito nakasama sa Father’s Day ang kanyang daddy dahil naiwan pa ito kasama ang kanyang Mommy My at mga kapatid sa Amerika na nagbabakasyon, samantalang kailangan na niyang bumalik ng bansa dahil may mga proyekto siyang gagawin.
Pero sa pagbabalik ng kanyang pamilya sa bansa mula sa Amerika ay may espesyal itong regalo para sa kanyang daddy at tsaka nila iseselebra ang Father’s Day.
MATABIL
ni John Fontanilla