Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ken Chan
Ken Chan

Ken, walang maililigtas sakaling magkaroon ng The Cure

ANG The Cure ay kuwento tungkol sa isang experimental drug na pumapatay ng cancer cells pero ang side effect naman ay ang mutation ng mapanganib at nakahahawang virus na Monkey Virus Disease or MVD.

Na ang sinumang ma-infect nito ay nagiging rabid at bayolente na mas masahol pa sa isang asong ulol.

Kaya tinanong namin si Ken Chan, kung magkakatotooo ang kuwento ng The Cure at kakalat ang epidemiya at may isang tao lang siya na ililigtas (bukod sa pamilya niya), sino iyon?

Isa lang? Mahirap ‘yan, ha?

“Isang tao lang talaga?

“Siyempre kung sino ‘yung mahal ko sa buhay.”

Karelasyon ang tinutukoy ni Ken, at nagkataong sa ngayon ay loveless siya.

“Kaya ngayon, kung sakali, wala kong maililigtas,” at tumawa si Ken.

Pero kung mayroon man akong ililigtas siyempre iyon. Ngayon wala, eh.”

Gumaganap si Ken sa The Cure bilang doctor na si Josh Lazaro.

Ang The Cure ng GMA ay pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez bilang sina Charity and Gregory Salvador; kasama rin sina Jaclyn Jose bilang Dr. Evangeline Lazaro, Mark Herras bilang Darius, LJ Reyes bilang Katrina, Jay Manalo bilang Fernan, Diva Montelaba bilang Suzy, Arra San Agustin bilang Anna, at Leanne Bautista bilang Hope.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …