NAGAGALAK ang aktres/politican na si Ina Alegre dahil muling nabigyan ng chance na maka-arte sa harap ng camera. Nakapanayam namin si Ms. Ina sa birthday party ni mayor Leandro Panganiban ng Pola, Oriental Mindoro. Si Ina ang vice mayor sa naturang municipality.
Pansamantalang nawala siya sa showbiz limelight nang pumasok sa politika at nanalong Vice Mayor. Bago ito, naging beauty queen siya at nagkaroon ng magazine show sa ANC at Radyo Negosyo sa DZMM. Siya rin ang Secretary General ngayon ng Lady Local Legislators League (4L).
“May pelikula ako ngayon, Men in Uniform, asawa ako ni Alfred Vargas. Happy ako kasi after how many years, nakagawa uli ako ng movie and hindi ko nga akalain na ganoon siya kaano,” saad ng aktres/politician na maybahay ni Eastern Visayas Police Regional Office director, Chief Supt. Gilbert Cruz.
Na-miss niya ba ang showbiz? “Yeah, oo. Nagkakailangan nga kami ni Alfred ‘yung time na aakapin niya ako roon sa movie. Alam ninyo noong inaakap niya ako, nailang ako, dahil siguro matagal na akong ‘di nakagawa ng movie.”
Pero nag-enjoy ba siya na nakabalik sa showbiz? “Yeah, sobrang happy ako. Gusto nila iyon, happy sila (her constituents) na nakikita akong lumalabas ulit sa pelikula.
“Next year, I’ll run for mayor and the mayor will be the… my vice mayor.”
Nabanggit ni vice mayor Ina na hindi niya inaasahang papasok siya sa politika. ”Actually that’s from my heart e, hindi nga pumasok sa akin na politiko ako. Never pumasok sa isip ko na vice mayor ako and never pumasok sa isip ko na nandito ako sa larangan ng politika, ‘no. Hindi ko alam, siguro dahil nasa puso ko ‘yun. It really comes from my heart na I really want to help, gusto kong makatulong sa mga tao.”
Ilan sa mga proyekto sa ngayon ni vice mayor Ina ay ang pamimigay ng 7,000 slippers sa kanyang mga kababayan, programa para sa senior citizens, scholarship program sa kabataan, livelihood, arts, at iba pa.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio