PATAY ang isang mamamahayag makaraan pagbabarilin sa Panabo City, Davao del Norte, nitong Huwebes.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Dennis Denora, isang diyarista sa Panabo City.
Sa inisyal na imbestigasyon, nasa sasakyan si Denora sa kasama ang kanyang driver, nang lapitan at barilin ng hindi pa kilalang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.