KUNG matutuloy ang plano ni Mother Lily Monteverde na kunin si Maine Mendoza at isama kay Maricel Soriano, tiyak jackpot ang Regal Films. Magandang idea ni Mother na isalba ang career ni Maine lalo’t wala pang katiyakan kung bibigyan ito ng bagong project.
May project na kasi si Alden Richards na iba na ang makakapareha.
Sana lang maisipan ni Mother Lily na ipahiram kay Maine ang magic kamison na ginamit at sinuwerte ang mga nagsuot nito tulad nina Dina Bonnevie, Lorna Tolentino, Snooky Serna, Gina Alajar at iba pa.
Ang problema lang, hindi na malaman kung nasaan na ang magic kamison ni Mother Lily.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales