LUMULUTANG ang acting ng theater actor na si JC Santos sa FPJ’s Ang Probinsyano kahit malalaking artista ang nakakasagupa niya tulad nina Edu Manzano, Alice Dixon, Joel Torre, Dawn Zulueta at iba pa.
Maganda ang role ni JC, isang anak ng bise president na mahina magdala ng problema dahil gusto agad nitong magpakamatay. Lalo na kapag hindi siya nasasagot o nang hiwalayan siya ni Yassi Pressman.
Hanggang ngayon, hinihintay ng viewers ang muling paghaharap nina Coco Martin at JC. Gustong makita ng viewers kung paano kapwa aatake ang dalawa sa kani-kanilang role.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales