IPINAHAYAG ng Optical Media Board (OMB) ang kanilang buong suporta sa #PlayItRight anti-piracy advocacy ng Globe Telecom na layuning mag-educate sa general public laban sa malware, cyber security threats, at access sa illegal digital content at torrent sites.
Ani Globe President at CEO Ernest Cu, ang suporta ng OMB, isang government agency na dedicated sa paglaban sa piracy, ay malaking tulong sa #PlayItRight campaign.
“We are grateful to OMB for recognizing our advocacy on anti-piracy. Our partnership will reinforce our educational drive against the illegal distribution of copy-righted content to a greater reach,” paliwanag ni Cu.
“The internet has become the main source of almost all the copy right infringement content nowadays and we need all the help we can get. We are encouraging the OMB to invite other stakeholders as well such as the cinemas to collaborate with our education drive to target the moviegoers,” dagdag pa ni Cu.
Sinabi naman ni OMB Chair & CEO Atty. Anselmo B. Adriano na ang pinakamalaking problema ng OMB ay ang malaking market para sa pirated videos dahil hindi alam ng tao kung bakit hindi sila nararapat bumili ng mga pirated.
“In as much as we try to be creative in our enforcement and disrupt the distribution chain and the retail chain for pirated video, there is still a big market for it. This is why we need to target the market through education. This is the reason why we are partnering with other organizations and companies like Globe to push for more education,” tugon ni Adriano.
Makikiisa rin ang OMB sa Digital Thumbprint Program (DTP) ng Globe na nagtuturo para maging responsable sa paggamit ng internet lalo na ang mga bata na nag-aaral sa public school kasama ang illegal downloading ng illegal content online sa training module.
Naging matagumpay ang OMB sa pagtatanggal sa mga bangketa ng mga pirated movies, music, at software sa DVD nationwide at sa pag-e-educate sa publiko laban sa illegal cam cording sa mga sinehan. Ginawa ng OMB ang Republic Act No. 9239 sa ilalim ng Office of the President na siyang nagre-regulate ng production, paggamit, at pamamahagi ng optical at magnetic media sa bansa.
Sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa global at local content creators at distributors para sa content business, aktibo ang Globe sa pagpo-promote ng legitimate sources ng online content.
Noong 2017, inilunsad ng kompanya ang kanilang #PlayItRight advocacy para tulungan ang entertainment industry curb piracy at para maprotektahan ang intellectual property rights.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio