Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Karla, naiyak nang pag-usapan ng KathNiel ang kasal 

SAMANTALA, ayon sa producer ng Arctic Sky Productions na si Dennis Aguirre, plano niyang gawing franchise ito kapag nag-click.

“’Di ba ang ‘Tanging Ina,’ kay Ai Ai de las Alas iyon, ang ‘Kimmy Dora’ is for Uge (Eugene Domingo), so itong ‘Familia BlandINA’ is for Karla, ganoon sana ang plano ko at Star Cinema ang distributor ko sa lahat,” saad ni Dennis.

May cameo role rin sina  Daniel  Padilla at Kathryn Bernardo  sa Familia BlandINA na ikinaiyak ni Karla.

“Eh kasi pinag-uusapan nila ang kasal, masyado pa kasing maaga, mga bata pa sila, 23 lang si DJ, sabi ko sa kanya 35 years old na siya magpakasal para talagang handang-handa na siya, para sa akin iyon. Pero siyempre, siya (Daniel) pa rin naman ang masusunod, ‘di ba?”

Pero boto na si Karla kay Kathryn, ”ay oo naman, hindi kasi kilala ng lahat si Kathryn, tahimik lang kasi ‘yun so akala ng iba suplada o snobbish, pero ang totoo, sobrang kulit niyon, maingay. At saka magugustuhan ba siya ni Daniel kung hindi maganda ugali niya, eh, si DJ pa?”

Kung masusunod ang timeline nina direk Jerry at Dennis ay sa Hulyo ang plano nilang ipalabas ang Familia BlandINA.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …