KAARAWAN ni Jennylyn Mercado noong Martes, May 15. Binati siya ng kanyang boyfriend na si Dennis Trillo sa pamamagitan ng Instagram account nito.
Nag-post ang aktor ng picture nila ni Jennylyn na karga-karga niya ito sa isang beach habang naka-smile ang girlfriend.
At ang sweet caption niya rito, ”Papasanin ko kahit ang buong mundo para lang sa ‘yo, makita ko lang na lumigaya ka ng ganito. Maligayang kaarawan mahal ko.”
O, ‘di ba, ang ganda ng birthday message ni Dennis kay Jennylyn?
Mukhang this time ay super in love na talaga sa isa’t isa sina Dennis at Jennylyn, huh! Mukhang hindi na sila maghihiwalay pa. Nagkatotoo sa kanila ang kasabihang Love Is Lovelier The Second Time Around. Pero sana nga ay humantong na sa simbahan ang kanilang pagmamahalan.
MA at PA
ni Rommel Placente