BINATA na nga ang bunsong anak ni Kris Aquino, si Bimby. Hindi kasi nito ikinaila na crush niya si Julia Barretto.
Ani Bimby, crush niya ang dalaga na katrabaho ng kanyang ina sa pelikulang I Love You, Hater ng Star Cinemadahil mabait ito.
Bukod sa close rin si Julia sa ina nitong si Marjorie Barretto tulad niya sa kanyang inang si Kris, gandang-ganda rin siya sa dalaga.
Medyo over protective nga ang bagets sa young actress kaya sinabi niyang magagalit siya sa sinumang mananakit kay Julia.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio