Saturday , April 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, mababaw lang ang kaligayahan 

PARANG batang nagtatampo si Kris Aquino nang maubusan siya ng paborito niyang ulam na calamares nang mag-imbita siya ng dinner sa bahay niya sa Green Meadows subdivision. 

Marami kasing tao sa bahay nina Kris dahil nag-shoot siya ng webisodes ng Ever Bilena at Mother’s Day contest para sa #Dinner with Kris na sponsor ng Toblerone na siya mismo ang nag-design ng bagong packaging nito. 

At nang natapos na ang trabaho ng social media influencer ay nagpahain na dahil nagugutom na siya. 

Laking gulat na lang namin nang magsabi siya ng, ”where’s my calamares?” At sinagot siya ng staff na ‘ubos na po.’ 

“What? Hindi ninyo ako ipinagtabi ng calamares? You know naman that’s my favorite ‘di ba? Nagtrabaho ako the whole day at pagod na pagod ako tapos wala ‘yung paborito kong food?” 

Tila batang nagsusumbong na panay ang sabing, ”kita ninyo wala akong food, inubusan nila ako ng calamares.” 

Nakita naming hinainan siya ng lechon at kare-kare pero hindi niya masyadong kinain dahil hinahanap niya ang kontrobersiyang calamares na walang umamin kung sino at paano naubos. 

Maya-maya ay inabutan na siya ng waiter ng catering at saka lang sumaya ang mama nina Joshua at Bimby,”yey, kita n’yo love nila ako, gumawa sila ng paraan to have my calamares. Alam mo ba ‘yung feeling na pagod ka at gutom at expected mo ‘yung ulam na gusto mong kainin tapos wala? Good job sa Elars (catering).” 

At dahil sa calamares ay nagpasabi si Kris sa kanyang assistant, ”Alvin (Gagui) bigyan mo ng tip sila baka hindi nabigyan kanina, gumawa sila ng paraan to have my calamares.” 

O, ‘di ba ang babaw ng kaligayahan ni Kris? 

  

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Chanty Marian Rivera

Chanty kumasa kay Marian, nagpagiling-giling at ‘di nagpahuli sa pagkembot 

I-FLEXni Jun Nardo KUMASA ang baguhang si Chanty kay Marian Rivera para sayawin ang Marimar dance icon na nagpasikat sa GMA …

Joseph Bitangcol Sandara Park Park Bom

Joseph ipinagtanggol si Sandara: 100% na hindi niya gagawin ‘yon

MA at PAni Rommel Placente Walang pagdadalawang-isip na ipinagtanggol ni Joseph Bitangcol ang ex- girlfriend na si Sandara …

Nicole Sonora Sheryl Cruz Boy Abunda Rams David

Anak ni Sheryl na si Nicole papasukin na rin pag-aartista 

MA at PAni Rommel Placente DAHIL artista ang kanyang inang si Sheryl Cruz at mula sila sa …