Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga nominado sa FAMAS, malalaman na

BUKAS malalaman kung sino-sino ang mga nominado sa gaganaping 66th FAMAS Awards Gabi ng parangal na gaganapin sa Hunyo 10 2018, Linggo sa The Theater Solaire.

Sa unang pagkakataon, ang mga nanalo ng FAMAS ay pipiliin ng isang independent jury na binubuo ng mga movie practitioner, academicians, at critics headed ng award winning script and literary writer na si Ricky Lee. 

Kabilang sa mga kategorya ng parangal ang: Picture, Director, Actress, Actor, Supporting Actress, Supporting Actor, Original Screenplay, Adapted Screenplay, Cinematography, Editing, Production Design, Music, Original Song, Sound, at Special Effects.

Sa taong ito, magkakaroon din ng mga parangal sa Documentary at short films. Ang publiko ay makakalahok din sa pagpili ng Audience Choice Awards for Picture, Actor, at Actress.

Matatandaang itinatag noong 1952, ang FAMAS ay presented ng Philippine Academy of Arts and Sciences ng Pilipinas at matagal nang itinuturing na isa sa mga pinaka-popular na tagapagbigay parangal sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. Ang lahat ng mga pelikula na ginawa ng Pilipinas na ipinalabas noong 2017 na mayroong at least isang araw na commercial screening ay kalipikado para sa mga parangal sa taong ito.

Ang MEGAVISION Integrated Resources Inc. ang producer ng ika-66 FAMAS Gabi ng Parangal kasama si Donna Sanchez bilang Executive Producer. Para sa mga katanungan magsend lamang ng email sa [email protected].

Ang Film Development Council of the Philippines ay ang official government partner ng 66th FAMAS AWARDS. Ang FAMAS 2018 ay suportado rin ng Victorino’s Restaurant, MAC Cosmetics, Aloysius Global, The Theatre At Solaire, Gardenia at PAGCOR.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …