Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip Mo, Interpret Ko: Kinagat ng aso at maraming dugo

Hello po sir,

S drim q kinagat aq ng aso sa daliri or kamay yata, tas ang dami pong dugo, sana mabsa q agad ito s HATAW, dnt post my cp#, I’m Johnie, tnx po

 

To Johnie,

Ang aso sa panaginip ay simbolo ng intuition, loyalty, generosity, protection, at fidelity. Ito ay nagsa-suggest na ang iyong strong values at good intentions ay magiging susi ng iyong pag-usad at tagumpay.

Alternatively, ito ay maaari rin namang nagsasaad ng ukol sa talentong iyong binabalewala o kinalimutan na. Sakali namang ang aso ay mabagsik at umuungol, ito ay nagpapakita ng ilang inner conflict sa iyong sarili.

Maaari rin naman na ang panaginip mo ay nagsasaad ng betrayal at untrustworthiness. Posible rin na nagpapakita ito na nawala o nawawala ang iyong kakayahan upang balansehin ang ilang aspekto ng iyong buhay. Maaaring ito ay bunsod ng iyong agam-agam upang harapin ang bagong sitwasyon o kaya naman, wala kang interes o kagustohang umabante tungo sa iyong mithiin.

Alternatively, maaari rin naman na ito ay sagisag ng disloyalty para sa ilang taong malalapit sa iyo na hindi mo pa pala talagang lubos na kilala. Dapat mo rin pahalagahan ang malalapit sa iyo na may pakinabang ka at may mabuting naidudulot para sa iyong interes o kapakanan.

Ang ukol sa daliri mo ay maaaring nagsasaad ng physical at mental dexterity. May kaugnayan din ito sa manipulation, action at non-verbal communication. Nagpapakita ito ng iyong agam-agam hinggil sa iyong kakayahan na maisakatuparan o magawa ang ilang mga bagay sa estadong gising ka.

Ang dugo naman ay nagrererepresent ng life, love, at passion, pati na rin ng disappointments. Ito ay nagpapakita na maaaring ikaw ay dumaranas ng exhaustion o kaya naman, ikaw ay nakadarama na emotionally drain ka na. Ito ay maaari rin namang may kaugnayan sa ilang matinding komprontasyon sa pagitan mo at ng ilang mga kaibigan bunsod ng ilang mga bagay na nagawa o pangyayari sa mga nakalipas na pagkakataon.

Ang ilang kababaihan kapag nagkakaroon ng buwanang dalaw, kadalasang nananaginip ng ukol din sa dugo — bago o pagkatapos ng kanilang menstruation. Posible rin naman na may kaugnayan ito sa nararanasang guilt sa iyong damdamin.

                                                                        Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

DOST SOCCSKSARGEN DRRM RDRRMC XII

DOST XII RD Malawan and DRRM Focal Gain Awards during SOCCSKSARGEN DRRM Recognition Ceremony

The Regional Disaster Risk Reduction and Management Council XII, in partnership with the Office of …