Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Dizon The Bomb bomba Sinag Maynila Filmfest
Allen Dizon The Bomb bomba Sinag Maynila Filmfest

The Bomb ni Allen Dizon, pasok sa 4th Sinag Maynila Filmfest

MAPAPANOOD ang pelikula ni Allen Dizon na The Bomb (Bomba) sa 4th Sinag Maynila Film Festival na ang screenings ay magaganap sa March 7-15 sa mga piling SM Cinemas sa Metro Manila. Kaya naman labis ang kasiyahan ng multi-awarded actor sa pagkakataong ibinigay sa kanilang pelikula.

“Malaking bagay kapag kasama sa mga festival ang mga movie ko, lalo na rito sa Filipinas para maraming makapanood na Filipino at maraming maka-relate. Lalo na kasi, may mga totoong nangyayari sa atin talaga na ganito,” saad ng premyadong actor.

Nabanggit din niyang isa itong The Bomb sa pinaka-proud na nagawa niya. “Oo naman sir, and isa rin ito sa mga pinakamahirap talagang role ko dahil need kong mag-aral ng sign language at lahat ng emosyon dapat tama. Palagay ko rin, ito na iyong pinaka-challenging na role na nagampanan ko so far, kaya may halong excitement din sa akin.

“Bukod kasi sa pagiging deaf, ang daming pagdaraanan ng karakter ko rito. Emotionally, grabe ang tindi, pero I took it as a challenge. Iyong ending, grabe ‘yun, never ko pang nagawa ang ganoong klaseng acting. Saka most of my scenes puro mata, saka facial expression at ayaw talaga ni Direk Ralston ‘yung uma-akting, kaya mahirap talaga,” pahayag ni Allen.

Nag-e-expect ka ba na mananalo ng award dito? “Never naman ako nag-e-expect lagi ng award e, kumbaga kapag kasama na ‘yung film sa filmfest, feeling ko ay nanalo na rin ako. Bonus na lang talaga kapag may Best Actor, kasi siyempre, pinagpaguran ko iyon, kumbaga bonus na talaga kung may award, lalo at maganda naman at mahirap talaga ang role ko rito sa Bomba.”

Bukod kay Allen, tampok din sa The Bomb sina Angellie Nicholle Sanoy, Kate Brios, Alan Paule, Sue Prado, Felixia Dizon, Joel Saracho, Tabs Sumulong, Lucas Dizon, at Romeo Lindain. Ito’y mula sa panulat at pamamahala ni Direk Ralston Jover.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …