Saturday , December 21 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

POC elections tuloy na sa 23 Pebrero

HUWAW!

Sa wakas dininig na rin ng korte ang hiling ng marami na magkaroon na ng eleksiyon sa Philippine Olympic Committee (POC) para sa mga posisyong presidente at chairman at gaganapin ‘yan sa 23 Pebrero 2018.

Ito ay matapos makatanggap ng sulat ang POC mula sa International Olympic Committee (IOC) bilang tugon sa matagal nang hinaing ng mga manlalarong Filipino.

Sabi nga ni Ricky Vargas, “I am happy that the POC finally decided to follow the rule of law and voice of reason. And the IOC should be commended for their straightforward appreciation of the situation. I now look forward to an orderly and fair election.”

Si Vargas ang tatapat kay equestrian head at nilumot ‘este matagal nang POC president na si Jose “Peping” Cojuangco.

Umaasa ang grupo nina Vargas na ito na ang pagkakataon para makapagsulong ng tunay na pagbabago sa kalagayan ng mga manlalaro at sa Philippine sports, sa kabuuan.

Ang cycling head na si Rep. Abraham Tolentino, na gaya ni Vargas ay na-disqualified sa pagtakbo noong 2016 elections sa POC Comelec, ay tatakbong chairman.

Bago ang 23 Pebrero dalawang pulong pa ang magaganap. Una, ang POC executive board sa 15 Pebrero para talakayin ang resolusyon hinggil sa IOC letter, at ang detalye ng elekisyon sa 23 Peb-rero at aaprobahan sa extraordinary General Assembly sa 19 Pebrero.

Marami ang umaasa na magkakaroon na ng malaking pagbabago sa POC pagkatapos ng elek-siyon.

Ilang dekada na nga bang nakaluklok diyan sa Mang Peping pero mukhang lalo lang nalugmok ang mga manlalarong Pinoy.

Matindi rin ang dibisyon sa larangan ng sports. Nagkahati-hati nang tuluyan dahil sa impluwensiya ng mga taong matindi ang interes na kopohin ang POC.

Ang 23 Pebrero ay krusyal sa mga manlalarong Filipino. Ito ang araw na kanilang pagpapasyahan kung gusto talaga nilang magkaroon ng pagbabago sa kalagayan ng mga atletang Filipino.

O hahayaan na lang nila itong umikot sa mga palad ni Mang Peping.

At gaya sa isang pangkaraniwang eleksiyon, iisa lang ang nagtatakda ng tagumpay — numero.

XIN NIAN KUAI LE,
KIONG HEE WAT CHAI!

HAPPY New Year! Wishing you prosperity and good fortune…

‘Yan po ang ibig sabihin ng dalawang pagbati na ‘yan.

‘Yung Kiong Hee Wat Chai, ‘yan po ‘yung ma-dalas banggitin na Kung Hei Fat Choi. ‘Yung una po ang tama.

Sanayin na po ninyo ang tamang pagbati.

Anyway, ngayong araw po ang unang araw ng Chinese New Year of the Earth Dog.

Marami ang nagsasabi na mabait at mapagbigay ang sagisag na ito sa iba pang Chinese zodiac.

Siguro dahil ang aso ay man’s best friend.

Pero sabi nga, ang kapalaran ng tao ay hindi suwerte o malas. Ito ay nasa pagsisikap ng bawat isa kaagapay ng masinop na pag-iingat sa pinagkakakitaan o hanapbuhay.

Wish lang natin na sana’y ganoon din kabuti ang kapalaran sa kasalukuyang gobyerno nang sa gayon ay umangat ang kabuhayan ng marami nating kababayan.

Sana ‘yung mga tinatawag na oligarch ay huwag nang masyadong angkinin ang yaman. Ibahagi naman nila ito sa ilang maliliit na negos-yanteng gustong umangat at nakatutulong rin sa iba.

Higit sa lahat, huwag po nating kalimutang magdasal at magpasalamat sa Poong Maykapal na siyang nagbibigay sa atin ng puspos, liglig, at umaapaw na biyaya.

Muli, Xin Nian Kuai Le! Kiong Hee Wat Chai sa inyong lahat!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *