SUGATAN ang dalawa katao makaraan mabagsakan ng poste ng koryente ang kanilang bahay sa naganap na landslide sa Tacloban City, nitong Huwebes ng tanghali.
Ayon sa ulat, nangyari ang landslide sa Artemio Mate Avenue bandang 12:00 ng tanghali.
Salaysay ni Remedios Cebu, nakarinig sila ng malakas na ingay at pagkaraan ay nabagsakan ng poste ang kanilang bahay.
Nasugatan sa paa ang kanyang 3-anyos apo habang tinamaan siya ng kahoy sa ulo.
Kapwa nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang maglola.