Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark, inirekomenda ni Daniel sa LLS

TINULUNGAN ni Daniel Padilla si Mark Neumann para magkaroon ng magandang exposure. Inirekomenda ni DJ na ibigay kay Mark ang isang partikular na character na may police background kaya may linya na siya ngayon sa serye nila sa Dos.

Sey pa niya, hindi mayabang si DJ at down to earth.

Dati ay parang pipi at extra lang si Mark sa serye ng KathNiel, ang La Luna Sangre. Wala siyang linya at puro facial expression lang. Pero itong bandang huli ay nagsasalita na siya.

Okey lang kay Mark na dumaan siya na parang extra kahit nagbida na  sa mga serye ng TV5.  Ang importante, may work siya.

Rati naman sa abroad ay naging newspaper boy siya, gasoline boy.

Anyway, panoorin si Mark sa Kamandag ng Droga. Ibang Mark ang mapapanood dito at ibinuhos niya ang performance niya bilang anak nina Christopher de Leon at Lorna Tolentino. Kinabahan siya dahil malalaking artista ang kaeksena niya pero inalalayan naman siya ni Direk Carlo Caparas.

Showing na ngayon ang Kamandag Ng Droga. Kasama niya sina Sarah Lahbati, Meg Imperial, AJ Muhlach, CJ  Caparas, Bret Jackson, RonnieLazaro, Nino Muhlach, Giselle Sanchez, Ana Roces, Mocha Uson, Atty. Persida Acosta, Ryan Eigenmann, Tommy Abuel, Jackielou Blanco, Perla Bautista, Eddie Gutierrez, Ramon Christopher, Tori Garcia. In Memory of Donna Villa. Ito ay under Viva Films.

(ROLDAN CASTRO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …